10: KIM JONG DAE ( CHEN )

35 4 0
                                    

Chanyeol's PoV (3pm)

" Ano ba tol, matagal ka pa bang magkakapkap dyan? Kulang nalang maghubad ka na dyan.." Sabi ko kay Kai habang nakaupo sa loob ng kotse ko at nakadungaw sa kanya.

Namili kasi kami ng chichirya at mga softdrinks ni Kai para sa movie marathon namen mamaya.

At lintek lang dahil hindi pa binubuksan ni Kai yung electronic gate ng Palace para makapasok na kami.

" Hindi ko kasi mahanap yung card ko eh, pano tayo makakapasok nito? Oo ngapala yung sayo nalang akin na."

Lumapit siya saken at binuksan ang pinto ng kotse.Akmang hahawakan na ni Kai ang bulsa ng pantalon ko ng pigilan ko siya.

" Wait lang tol, Chansing ka lang eh. Nakalimutan ko yung card ko sa unit ko kaya wala saken tol."

Kumunot noo ko ng umupo si Kai sa bermuda grass at parang tangang pasan ang daigdig.

" Pano na tayo makakapasok sa loob nito? "

Yun lang pala problema niya?

" Kai gumagamit ka ba talaga ng utak? Pindutin mo kaya yung doorbell? "

Tumayo siya bigla at parang tangang pinagpipindot ang doorbell.

Malala na ang isang to..

--

Xiumin's PoV ( 8pm )

Matagal na akong nakasandal sa kotse ko at umiinom ng Large Frapuccino ng mapansin ko ang isang babae na palakad lakad sa lugar kung saan nasunog yung bahay na pinupuntahan ko.

Ibinaba ko ang Frapuccino ko sa bubong ng kotse ko at naglakad palapit sa kanya.

Paikot ikot lang siya sa lugar na iyon at parang may iniisip.

" Haisst babalik kaya yung pogi na yun dito? Haisst ."

Narinig kong sinasabi niya. Nakatalikod siya sa gawi ko at nakalapit na kasi ako sakanya kaya narinig ko ang pag mo monologue niya.

Huminto siya at saka siya nagsalita.

" Who are you who's standing behind me? If you'll do some bad moves against me, then Im gonna do it first Mister--"

Huminto siya at may kinukuha sa bag niya na humarap saken.

" OH MY GWAPO! PAPA XIUMIN!! YAYYYY!"

Nagulat ako ng bigla niya akong dinamba at dahil hindi ako handa sa ginawa niya sabay kaming tumumba sa kalsada, at ngayon ay nasa ibabaw ko na siya.

Nagkatitigan kami pareho at sabay napalunok.

Sh*t lang! Ang ganda niya..

" Get up in 5 seconds before i pull the trigger to shoot you both to death.." Isang sobrang lamig at nakakatakot na boses ang nakapagbalik ng diwa ko sa kasalukuyan at sabay kaming tumayo nung magandang babae na yumakap sakin kanina.

Nung mapatingin ako sa nagsalita.

Hindi ko napigilang mapatulala sa harap niya.

Kung yung isa sobrang ganda, itong nasa harap ko mala diyosa sa ganda mga tsong.

Hindi ko na pinansin yung hawak niya na nakatutok saken dahil nabibighani talaga ako sa kagandahan niya.

" Wait Mister, Is your name is Xiumin?? Xiumin of EXO!?."

Mabilis niyang itinago sa likod niya yung hawak niyang..Ewan? Hindi ko na nakita.

Tapos nagbago ang boses niya at naging malambing at excited na tono.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon