24: ZHANG YI XING ( LAY )

24 2 0
                                    

Lay's PoV

" Bakit ba kasi ang boring ng pinili niyong course, Accounting? ". Tanong ko dahil mainit ulo ko.

Ewan ko ba pero naiinis ako dahil hindi ko na makita si Cerie ko aissh! Hindi pala si Jem pala ang gusto ko at hindi yung babaeng cute na yun.

Meron nga pala akong peyborit na sungitan.

" Exciting kaya Dude. " Sehun.

" Ikaw ba kausap ko!? ". Tanong ko pa sa lintek na si Sehun

Nag smirk lang siya.

Tuwing magsasalita si Sehun, nababanas o kaya naba badtrip ako.

Tsk, naiinis ako sa lintek na yan dahil kala mo mas gwapo pa saken.

" Class dismiss."

Lumabas na kami pagkatapos yun sabihin nung Prof.

Ang gagawin lang naman namin, pumasok dito sa University. Kahit wag ng mag aral. Babantayan kasi namin itong University hanggat hindi pa nahuhuli yung mga nagbabalak ng masama dito sa University.

Naglalakad kami sa hallway ng may nakasalubong kaming dalawang babae na nag uusap.

" Uy alam mo ba may nagaganap daw na basketball dun sa Gymnasium! Tara punta tayo! "

" Boring yun.."

" Ano ka ba puro babae yung mga naglalaro! Yung mga magaganda daw sa room ng BSA-I-A ! Bahala ka pupunta ako!"

Napahinto kaming labing dalawa sa paglalakad ng marinig namin yung section.

" Tara punta tayo mga dude! " Xiumin na nauna ng maglakad.

--

3rd Person's PoV

Excited silang sampu na pumunta sa Gymnasium pwera lang kina Tao at Kris.

Hindi pa rin kasi sila kumbinsido na kakampi nila yung pitong babae.

" Wooooooohhhh!!! "

Puro sigawan ang naririnig nila ng makarating sila sa Gymnasium.

Pumwesto na sila sa pinaka unang bleachers para kita talaga nila yung mga maglalaro sa court.

Marami rami na rin ang nanunuod.

3rd quarter na nung dumating sila.

BSA-IA= 87 BSBA-IA= 86

Yun ang scores.

Sina Venirie, Lemirie, Edrie, Alrie at Cerie ang naglalaro sa court.

Naiilang pa si Glenirie nang tumabi si Tao sa kanya. May lihim na pagkagusto kasi siya para dito.

Si Jemirie ay naiilang din ng umupo sa tabi niya si Kris.

Mga bakante kasi ang mga upuan sa mga tabi nila dahil dun nakapwesto sina Alrie at Edrie kanina na nanunuod lang at naaya lang na maglaro ng basketball.

" Teka, bakit hindi nakasintas ang sapatos niya? " tanong ni BaekHyun sa isip niya ng mapatingin siya kay Venirie.

Nag time out kaya lumapit si BaekHyun kay Venirie at lumuhod gamit ang isang tuhod sa harap nito na kinagulat ni Venirie.

" Ano bang ginagawa mo? " Tanong ni Venirie sa mahina na boses habang inililibot ang mata.

" Hindi nakasintas ang sapatos mo, baka matapakan ng mga kalaban mo, masubsob ka pa.". Ngumiti pa ito sa kanya at yumuko ulit para ipagpatoy ang ginagawa nito.

Napakagat labi si Ven dahil kinilig siya sa ginawa ni BaekHyun.

" Anu ba BaekHyun, baka mahulog na ko sayo, hindi mo naman ako saluhin.." Sabi ng isip ni Venirie.

" Wala ka bang dalang bimpo? Tignan mo basang basa yung likod mo oh." Sabi naman ni Kai kay Alrie.

" Don't touch my back! Aisst get out in my sight! " Sigaw ni Alrie pero hindi natinag si Kai at kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mukha ni Alrie.

Matapos punasan ni Kai si Alrie ay tumalikod agad ang dalaga.

" Aiishh! This man really want me to fall for him! And I hate to say that I'm starting to fall for him again! Aisst What am I going to do now? "Sabi ni Alrie sa isip habang naka pikit at matapos mag isip ay dumilat na siya at iniwan na si Kai.

" Pawis ka na oh, " Si Luhan naman na pinupunasan ng pawis sa noo si Edrie na nakatingin naman kay Alrie at Kai.

Batid ni Edrie na si Kai ang mahal ng kapatid niya kaya hinayaan na lang niya si Kai sa kapatid niya.

" Ibang klase ka ah, pati ba mata mo napagod? Nagpapawis din oh! " Biro naman ni Luhan habang pinupunasan ang luha ni Edrie.

" Diba, ang pawis at luha parehong lumabas kapag pagod ka na? " Napatigil sa pagpupunas ng luha si Luhan ng sabihin iyon ni Edrie.

" Eh bakit naman ako, kahit pagod na, hindi pa rin nagsasawang magmahal sayo? " Si Luhan na nakatitig sa mukha ni Edrie.

Si Edrie naman ay ngumiti nalang kay Luhan.

" Panyo oh, " Hindi nakatingin kay Cerie na sabi ni Lay.

Napakagat labi pa si Cerie bago tinanggap ang panyo ni Lay.

" Salamat." Sabi ni Cerie sa normal na boses dahil ayaw niyang ipahalata na kinikilig siya sa ginawa ni Lay.

" Cerie tubig oh! " Si Sehun na binigyan ng tubig si Cerie.

" Salamat din! " Nakangiti naman niyang sabi kay Sehun.

" Kapag si Sehun nagbigay nakangiti, kapag ako parang wala lang." Bulong ni Lay sa sarili tyaka naglakad sa pwesto niya.

Hindi yun narinig ni Cerie pero si Sehun narinig yun.

Umaayon na sa plano niya ang lahat.

Napatingin pa siya sa pwesto nina Venirie at BaekHyun, ngumiti ng mapakla at tyaka bumalik sa pwesto niya.

" Lemirie, tubig oh! " Sabay na sabi naman nina Chanyeol at Chen.

Napatingin pa si Lemirie sa dalawa at tyaka parehong kinuha ang mineral na hawak nila.

Lumapit yung dalawa kay Lemirie at parehong pinupunasan ang pawis nito sa mukha.

" Ano ba Chen, lumayas ka nga dito! Ako nauna dito kay Lemirie! " Sigaw ni Chanyeol kay Chen.

" Utut mo Yeol, ikaw ang lumayas, naka one point na ko dito kay Lemirie kaya wala ka ng pag asa pa." Mayabang na sabi naman ni Chen kay Chanyeol.

Napikon na si Lemirie.

" Lumayas nga kayong dalawa sa harap ko!!!". Sigaw ni Lemirie. Tumalikod na siya at tyaka lihim na ngumiti.

" Grabe, ang ganda ko talaga..
Akalain mo yun, dalawang hot at gwapong lalake ang naghahabol sa beauty ko.Hahaha ". Sabi pa ni Lemirie sa isip niya.

Nagsimula na ang 4th quarter, pero this time, ganado na ang paglalaro ng lima para magpasikat sa mga manunuod at lalo na sa EXO.

10 seconds nalang ang natitira at na kay Venirie ang bola.

It's either matatalo sila o mananalo.

BSA-IA= 99 BSBA-IA= 100

Ang score.

Pumorma na siya at tinantsya ang pwesto niya, tumingin siya sa ring at tyaka tumalon para i shoot ang bola. 3 point shoot kapag pumasok.

*Shoot*

* Ennnnnnggg *

Times up na, at nanalo sila.sa score na 102-100.

" Yesss!!! ". Sigaw ni Venirie sa saya at nagyakapan silang lima.

Lumapit na rin sina Jemirie at Glenirie na nanunuod sa kanila.

++++++++++++++++++++++++++

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon