23: DREG KEIFER ( DREG )

31 2 0
                                    


Dreg's PoV ( 10am )

( Birthday: July 19, 1990 )

" Bakit kulang kayo? "Mataray na tanong samin ni Majesty.

Tahimik lang akong nakasandal sa pader habang yung dalawang babae naman ay nag iiwasan ng tingin.

" They were caught by the Crest's Assasins. Sagot ko dahil mukhang walang balak sumagot yung dalawa.

Napatayo si Majesty at hinagis ang isang Doll figurine na isa sa mga collection niya.

" Pano nila nahuli!!!!! At bakit ngayon niyo lang sinabi saken! "

" Huminahon ka lang Love.."

Tinignan ko na lang yung bintana nung halikan nung boyfriend niya si Majesty.

Tsk, kaya ba kami pinatawag para gumawa ng halikan dito.

Ano kami refiree?

Mukha namang hindi katiwa tiwala yang boyfriend ni Majesty.

Palibhasa, bulag sa pagmamahal.

" Aahhh Love, nakakainis kasi eh. Alam mo namang mahalaga saken yung mga tauhan ko.."

" I know, I know. Don't worry, ako ng bahala sa kanila.."

" Paano kung mapahamak ka? Baka ako na ang makapatay sa kanila! "

Tumahimik, panigurado naghahalikan na nanaman yang mga yan.

Buti nalang at hindi ko nakikita.

Ang laswa kasi ng dalawang yan maghalikan.

Parang wala ng bukas.

" Aalis na kami, Majesty"

Paalam ni Deni. Tss buti nalang at nagpaalam din.

Nakakabadtrip manuod ng porno.

Lumabas nalang kami at nagulat pa ko dahil binangga ako ni Sherry sa pintuan paglabas niya.

Problema nun?

" Mukhang dalawa na kaming hindi tinatablan ng charms mo ah? Anong pakiramdam? " Mapang asar na tanong ni Deni tyaka naglakad palayo.

Tss. Mga babae nga naman.

* Beep *

Dinukot ko yung phone sa pants ko at tinignan kung sino yung nagtxt.

From: Aubrey

We don't finished our business yet, why not coming here?

Tss. Isa pa tong kapatid ko.

Dapat ako nalang mag isa ang ginawa nina Mom.

Manunuod na naman ako ng Porno.

Yung kapatid ko naman ngayon ang i re refiree ko.

Badtrip naman oh.

--

Venirie's PoV ( 10pm )

Malamya akong naupo sa tabi ni Edrie at sumandal sa back rest nung upuan.

" Hahahaha, talaga? Ano niligawan ka na ba? ".

Binaling ko ang mata ko sa nagtanong na si Jemirie.

" Hinalikan lang ako sa cheeks liligawan na agad? " Lemirie na nakataas kilay.

Kumakain sila dito sa cafeteria habang ako ay umiinom ng Chucky.

" Dun na rin punta non! Uyy lumalove life na si Lemirie! Ihhhh! " Edrie na tumitili tili pa.

Hinampas ko nga yung braso.

" Ven!? Ano ba? Bakit ka nananakit dyan? " Edrie.

" Nakakairita ka tumili eh, parang ikaw yung hinalikan sa pisngi. " Sabi ko tyaka umiinom sa chucky ko.

Napahinto ako sa pagsipsip sa straw nung silang anim ay naka tingin lang naman saken.

" Problema niyo? " Tanong ko habang kagat ko pa yung straw ng chucky ko.

" Mukhang may nangyari na hindi namin alam ah.." Jemirie na kung makatingin kala mo may lihim ako na alam niya.

" Kwento na girl.." Cerie na sumipsip pa sa Melon smoothy niya.

" We know what's running on your mind now Ven, so spill it out now.." Tinaasan ko pa ng kilay si Alrie na katabi ni Edrie.

" Ano ba yang sinasabi niyo.." Sabi ko pa na sa ibang lugar tumingin.

" Alam namin kapag may tinatago kang sikreto.." Edrie.

" Naiirita ka kapag may maingay o tumatawa sa isa sa amin.." Glenirie.

" At syempre, hindi ka makakain." Lemirie

Aisst oo ngapala, kilala ako ng mga to sa tuwing may nililihim ako sa kanila.

Anak talaga ng patola oh.

" Nahuli ka na namin, so spill it out na kasi girl.." Lemirie na nag smirk pa sakin.

" Tell them that we shared a kiss under the moonlight.."

Literal na nanigas talaga ang buong katawan ko ng magsalita si BaekHyun mula sa likod ko.

Nagkatinginan silang anim at....

" OH MY GUMMY BEAR!!!!!!! YAAAAAAYYYYYYYYY!!!! " .Sigaw nilang lima, habang si Alrie naman ay naka smirk na nakatingin saken.

Sinamaan ko lang sila ng tingin habang nakahawak sa magkabilang tenga ko.

Nakakainis dahil talagang ginaya nila yung habit ko na pagsigaw ng Oh My Gummy Bear kapag excited o tuwang tuwa ako.

" Girl! Ihhhhh!!!! Bakit hindi mo sinabi!!! ". Lemirie na nakalapit na pala sakin at inaalog alog ako.

" Aissh, tanggalin mo nga yang kamay mo saken! Nahihilo ako sa ginagawa mo eh! " Sabi ko sabay tampal ng malakas sa kamay ni Lemirie.

" At ikaw! Pinagsasabi mo diyan! Imbento ka! " Sigaw ko naman kay BaekHyun habang hinahabol siya!

Nakakainis dahil ang bilis tumakbo ng bwisit!

Habang tumatakbo ay may naisip ako.

" Ouchy!! " Napaupo pa ko dahil kunwari ay na sprain ako.

Mukhang nag aalangan pang lumapit si BaekHyun saken kaya kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni D.O.

" Hoy! Akin na nga yan! " Sigaw ko habang nakaupo sa sahig.

" Bakit mo tinatawagan si Dos? Nandito naman ako, kaya kitang alagaan." Sabi pa niya at tyaka lumapit sakin.

Nag smirked ako at hinatak ng pagkalakas lakas ang tenga niya! Yes!!!

" A-AA-AAR-AAAYY! "Sigaw niya muahahahahaha!

++++++++++++++++++++++++++

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon