19: PARK CHAN YEOL ( CHANYEOL )

23 2 0
                                    

( Birthday: November 27, 1992 )

Chanyeol's PoV ( 8am )

Naka upo ako dito sa couch habang naka patong ang mga braso sa sandalan dito mismo sa loob ng Basement ng Crest Mansion.

Si Tao naman, seryosong naka harap sa glass wall at tinitignan yung tatlong nahuli namin kahapon sa Crest University.

Naka upo silang tatlo habang naka kadena yung mga kamay at paa nila sa mga upuan nila.

Bugbog sarado silang tatlo dahil ayaw nilang magsalita tungkol sa mga nangyaring kaguluhan sa loob ng Crest University at kung sino ang nag utos sa kanila.

Ayaw sumagot kaya yung mga mukha nila bugbog.

Pati yung babae kaawa awa ang itsura kaso anong magagawa ko, kalaban sila.

Gusto niyo bang magkwento ako? Kung pano namin sila nahuli?

- Flashback (11am) Thursday -

Natatawa ako ng palihim dahil parang tanga si Chen.

Hindi ko alam kong natatae o naiihi, pabalik balik kasi siya ng lakad.

Nakasandal ako sa gilid ng cafeteria at tinitignan ang mga dumadaan habang si Chen, ayun nawala na.

Saan na nagpunta yun?

Pumunta ako sa cafeteria dahil parang nauuhaw ako.

Napatingin ako sa pwesto ni Lemirie my love, at teka sino yung lalake na kausap niya?

Sinubaybayan ko ang pangyayari at mukhang naiirita siya dun sa lalake.

Sabagay mas gwapo pa nga ako dun sa kausap niya.

Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay yung pagsulpot ni Chen sa eksena at yung nakakainis na paghalik niya sa pisngi ni Lemirie, takte naman oh.

Umiwas na ko ng tingin at pumunta na lang sa kinaroroonan ng water dispenser.

At pucha naman talaga oh.

Naubusan ng tubig?

Langya ang malas ko naman.

Paalis na sana ako ng mapansin ko ang isang babae na umupo at hinawakan yung galon na ipinapatong sa water dispenser.

Nakita ko yung babae na may inilalagay siyang powder na nakalagay sa isang botelyang maliit sa mismong butas ng takip nung gallon na inilalagay sa water dispenser.

Kunwari hindi ko napansin at tyaka ako nagtanung sa counter.

" Ate wala ng tubig yung water dispenser." Sabi ko dun sa cashier.

" Oo sige papalagyan ko lang." Lumingon ako ng pasimple sa babaeng nagmamadaling umalis papunta sa backdoor.

Nakita kong binuhat nung isang lalake yung gallon na nilagyan ng kung ano nung babae kanina.

" Pre, wag daw yan ang ilagay mo. ". Pasimple kong binutas yung galon gamit ang kutsilyo na nakakabit sa sapatos ko.

Sinipa ko ng mahina yung galon kaya lumabas agad yung kutsilyo at nabutas na yung galon tapos ay diniinan ko yung kutsilyo pabalik sa loob ng sapatos.

" Bakit? " Tanong nung lalake.

" Tignan mo butas yung galon.".

Pagkasabi ko non, umalis na ko at pumunta sa backdoor nung cafetiria.

Nakita ko yung babae kanina na naglagay ng kung ano sa water dispenser na may hawak na cellphone na nakatalikod sa gawi ko.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon