8: Lu Han ( LuHan )

42 4 0
                                    

Shelmin's PoV(7am)

- After 1 month -

" Ang pangit naman ng pangalan ng grupo niyo .." Sagot ko dahil sa sinabi ni Mama na pangalan daw ng grupo nila Ate.

Nandito kami sa mansion ni Mr. Stein ay este namin pala.

- Flashback - 1 month ago.

" Game over Stein.."

Mama? Pagbuka ng bibig ko na walang boses.

Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko.

Nakatutok ang baril na hawak niya sa ulo ni Mr. Stein Huhu, Multo na ba Mama ko tapos pumapatay na siya?

Huhu ayoko pa mamatay ah.

" A-anong I-ibig sa-sabihin ni-nito Ma-madame Risse .."
Tanong ni Mr. Stein. Parang tanga pala si Mr. Stein eh akala ko matalino siya. Hindi ba niya alam na baril yung nakadikit sa ulo niya?

Hindi niya siguro alam na baril ung nasa ulo niya huhu ay oo ngapala nasa likod niya si Mama.

" Balak niyo palang patayin ang mga anak ko para maangkin ang kapangyarihan na meron kayo ngayon! Ang sinabi ko, turuan niyo silang makipaglaban, hindi yung pahirapan niyo sila hanggang mamatay! Mga walanghiya kayo! Nagpunta lang ako ng England para maayos ang gulong ginawa niyo, pinabayaan ko na kayo ang magturo sa mga anak ko tapos ganito ang dadatnan ko! Tapos na ang palabas Stein. Magpaalam ka na sa Papa mo Sabina..."

Eh? Bakit magpapaalam? Aalis ba si Mr Stein? Iiwan niya anak niya? Huhu ambad wala siyang kwentang ama.

Nagkusot ako ng mga mata ko kasi nanlalabo na sa mga luha ko.

Wala naman akong narinig na kahit ano pero nung minulat ko ang mata ko nawala si Mr. Stein at nakita kong papunta na samin ni Ate si Mama.

--

Nasa isang kwarto si Ate habang ginagamot ng mga doktor.

Kami naman ni Mama ay nandito sa kwarto ng Mansion na pag aari pala ng pamilya ni Mama at hindi ni Mr. Stein.

" Hindi talaga De Guzman ang apelyido ko Shelmin.."

Hawak ni mama ang mga kamay ko at magkaharap kaming nakaupo sa couch nitong kwarto ko.

" Eh? Ano po? "

" Ang totoong pangalan ko ay Lou Venirisse Rouge Lux.."

" Eh B-"

Pinutol ni Mama ang sinasabi ko.

" Ayoko kasing mamuhay kayo na puro pagpatay ang kalalakihan niyo..Ayokong matutunan niyong kumitil ng buhay sa murang edad mga anak, Tumakas ako ng mansion namin sa England dahil ayoko ng pumatay nakokonsensiya ako.."

Humigpit ang pagkakahawak ni Mama sa kamay ko.

" Hanggang sa makilala ko ang Papa niyo dito sa Pilipinas, dito na kami bumuo ng pamilya. Hanggang ng maipanganak kita nun hindi umuwi ang papa mo. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa isa sa katiwala ko sa England na pinapatay ng mga magulang ko ang Papa mo. "

Umiiyak na si mama kaya pinupunasan ko ang mga luha niya.

" Kasal po ba kayo ni Papa? "

" Hindi anak..."Sabi niya tyaka umiling.

" Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ko bumalik pa ng England. Nung nasunog ang bahay natin, ako ang may gawa nun.."

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon