28: TWENTY EIGHT

19 3 0
                                    

Venirie's PoV ( 9pm )

Tapos na kaming kumain kaya naghuhugas na kami ni Venisse ng mga plato.

Kami kasi ang nakatoka sa paghuhugas ng mga pinggan ngayon. Tapos bukas sina Alrie at Edrie naman.

Buti nalang at hindi ako kinakausap ni Shelmin.

Nakakunot noo kasi ako, mainit kasi ang ulo ko.

Tapos na kaming maghugas kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at dumiretso sa veranda, ang favorite view ko kasi ay ang kalangitan na puro bituin at buwan na maliwanag.

Namimiss ko na si Seisei. Hindi ko kasi basta basta pwedeng tawagan sina Mama dahil baka daw may maka trace ang tawag ko.

Anu bayan, feeling ko tuloy kulang ang pagkatao ko.

" Bigti na girl, laki ng problema natin eh."

Nilingon ko ng walang kabuhay buhay si Lemirie na nakasandal sa glass door ng veranda dito sa kwarto ko.

" Ikaw kaya ibigti ko diyan? " Sabi ko nalang at umupo sa folding sofa na nagiging higaan na maliit, yung sandalan naibababa para pwedeng higaan.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon