Chapter 17

218 18 0
                                    

WINTER’s POV

“S-SAAN po tayo pupunta, Ma’am?” tanong na naman ng batang lalaki.

“Just shut up and don’t ask anything.”

Hindi ko naman na siya narinig pang nagsalita kaya hinayaan ko na. Nakarating kami sa bahay at pinapasok ko sila.

“Follow me.” saad ko. “Manang, can you prepared breakfast for these kids?” kaagad namang tumango si Manang.

“Ate Cel, pakitulungan itong dalawang bata. Paliguin mo at pakibigyan na rin ng damit na pwede nilang gamitin.”

Tiningnan ko ang magkapatid at, kitang-kita ko kung paano sila ma-amaze sa nakikita nila dito sa loob ng bahay.

Iniwan ko na sila kay Ate Cel at pumunta kay Manang. “Manang, pagkatapos maligo noong dalawang bata. Pakainin niyo na sila. Lalabas lang ako, babalik rin ako kaagad.”

“Sige hija.” kaagad na sagot nito.

Umalis akong muli sa bahay at nagtungo sa SDV Mall. Bumili ako ng mga damit para doon sa lalaki at para doon sa kapatid niya.

Bumili na rin ako ng mga gamit na kakailanganin nila, at nang matapos na ay kaagad na akong umuwi.

***

“Wints,” bungad ni Spring nang makita ako. “Why?” I asked. “Who are those kids?”

“Strangers.” tipid na sagot ko sa kaniya. “Seriously? Eh bakit nandito sila?” Tss! “They will stay here.” Iniwan ko na si Spring at nagtungo sa sala.

Tahimik na nakaupo ang lalaki habang ‘yong batang babae ay kausap ni Summer. “Hey, you two.” tawag ko sa magkapatid.

“What’s your name?” I asked while looking to the guy in front of me. “R-robert po.” I nod at him and look at his sister.

“Winter, don’t stare her like that.” Sita ni Summer sa ‘kin. “Your name?” I asked. “R-onalyn po.”

I nod at her. “Follow me.” saad ko sa dalawa. Sumunod naman sila at umakyat na kami sa second floor.

Dinala ko sila sa dulong kwarto na may dalawang kama. Nilapag ko rin sa kama ang mga binili ko para sa kanila.

“Dito kayo matutulog.” tipid na saad ko. “Ito rin ang mga gamit niyo.” dagdag ko pa.  “P-para saan po ang mga ito?”

Tss! Is not it obvious that I am helping them?

“From now on both of you will stay here.” Nakatingin lang sila sa ‘kin. I don’t know if they get what I’m saying.

“H-hindi naman na po kailangan Ma’am.” Magalang na sagot ni Robert. “Bakit may pamilya ba kayong naghihintay sa inyo?”

Nilingon ko ang nagsalitang si Autumn. Nandito na pala siya. “W-wala na po. K-kami na lang po ni Kuya ang magkasama.” Sagot ng batang babae.

“May bahay ba kayong tinitirhan?” Tanong naman ng sumulpot na si Spring at sabay na umiling ang magkapatid.

“Then, both of you can stay here. Dito na kayo titira, para maayos ang paligid niyo at hindi kayo magkasakit. Don’t worry, aayusin ni Winter ang mga papers kung may kinakailangan para hindi kami makasuhan sa pag-aampon sa inyo.”

Nilingon ko si Summer na malawak ang ngiti sa mga bata. “Para simula ngayon, may pamilya na kayo? Hindi ba?” Dagdag niya pa.

“P-pero nakakahiya po sa inyo.”

Nilapitan ni Summer ang magkapatid at inakbayan.

“Hindi niyo kailangan mahiya. Mas gugustuhin niyo pa bang matulog sa kung saan-saan kaysa dito? Mas gugustuhin niyo pa bang magutom sa labas at magkasakit kaysa dito na pwede kayong maalagaan at may makakasama pa kayong kumain?”

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon