Chapter 6

180 17 0
                                    

WINTER's POV

ILANG araw na naman ang nakakalipas and Nat always messaging me, calling me on messenger or to my number.

"Winter,"

Nilingon ko siya at ang lalaking katabi niya. "Why are you here?" tanong niya na ikinainis ko pero hindi ko ipinahalata sa kaniya.

"Am I not allowed to go here, Nat?"

Malamig na tanong ko sa kaniya na kaagad naman niyang ikinatawa. "Of course not, well, nakakapanibago lang. Ilang araw ka ng hindi sumusulpot dito e."

Masaya ba siya na hindi ako sumusulpot dito? Masaya ba siya na lagi niyang kasama ang lalaking katabi niya?

Binalingan ko si James at tiningnan ng seryoso sa kaniyang mga mata.

"Do you still need anything from Nat? You can leave now."

Hinampas ako ni Nat sa braso ko pero hindi ko ito pinansin. "Ang sama mo, Winter."

Hindi ko pa rin siya pinansin at nanatiling nakatingin kay James. "Ihahatid ko pa si Natalie sa bahay nila."

Sa narinig ko ay parang kumulo ang dugo ko.

"Can't you see me?" binalingan ko si Nat na nakatingin sa aming dalawa. "Lets go."

Saad ko at tinalikuran na sila. "Natalie, I'll driv-," I cut him off by looking coldly in his eyes.

"Ako ang maghahatid sa kaniya."

Mariing saad ko at muli silang tinalikuran. Naramdaman kong hindi sumusunod si Nat kaya nilingon ko ito.

She's talking to him pero nagsimula na rin siyang maglakad. Nagdere-deretso lang ako patungo sa kotse ko.

Sumakay na ako at hinintay na lang si Nat. Isang malapad na ngiti ang isinalubong niya sa 'kin pagkapasok niya sa kotse.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ngiti niya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagsalita si Nat.

"Why are you mad?"

Bahagyako siyang nilingon pero bumalik rin sa daan ang atensyon ko. "I'm not."

Why would I? Napailing ako sa isipan ko, kung anu-ano na naman ang naiisip ng babaeng 'to.

"Really? E, ano 'yong mga tingin mo kay James kanina na para bang gusto mo ng patayin 'yong tao sa paraan ng pagtingin mo?"

Inihinto ko ang sasakyan dahil naka-red light, tiningnan ko siya ng walang kahit anong emosyong makikita sa aking mga mata.

"I thought you're annoyed with that asshole, but you're still hanging up with him."

Tumaas-baba naman ang kaniyang kilay bilang sagot. "Well, wala naman siyang binabanggit na nakakainis ngayon."

Pakiramdam ko ay bumagsak ang balikat ko dahil sa sagot niya.

"Kaya hinahayaan mo na lang? Hindi bat may gusto sayo ang isang 'yon and you don't like him, so stay away from him."

I don't even know to myself why these words are now coming out of my mouth. May nakain yata akonh panis kaya ganitong mga salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Well yes, but what's wrong with that? I'm single and so he is. Wala naman sigurong mali kung bigyan ko na siya ng chance to court me."

Humigpit ang hawak ko sa steering wheel pero nanatili akong nakatingin sa kaniya.

"Magmaneho ka na ulit, binubusinahan na tayo." saad niya na ikinabalik ko sa katinuan.

Nang paandarin kong muli ang sasakyan ay hindi ko na siya binigyan pa ng atensyon.

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon