Epilogue

494 23 10
                                    

WINTER’s POV

KUNG ayaw mong maranasan ang bagay na nararanasan ko, siguraduhin mo sa sarili mo na hindi ka magiging duwag.

I know that Nat is very special for me, pero hindi ko nagawang aminin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko dahil muli akong nagpakulong sa pagmamahal ko para sa taong hindi naman mapapasakin.

Kaya kung alam mo sa sarili mo na gusto o mahal mo ang isang tao, why would you wasting your time by not telling her/him how you feel?

Bakit mo pipiliing itago kung sa bandang huli pagsisisihan mo? Maraming what ifs, tulad na lang ng what if iba ang gusto niya?

What if iba ang mahal niya? What if masaktan lang ako? For pete’s sake, bakit iisipin mo pa ‘yong mga what ifs mo?

Masaktan ka man sa huli, ang mahalaga you did your part. Ang mahalaga ipinaalam at ipinaramdam mo sa taong ‘yon ang pagmamahal mo.

Huwag kang maging duwag kung ayaw mong masayang ang pagkakataon na pwede pala kayo sa isa’t-isa.

Huwag kang maging tanga kung ayaw mong mahuli na ang lahat para sa inyong dalawa. Because at the end of the day, pagsisisihan at pagsisisihan mo ang bagay na itinago mo.

Noong mga oras na hindi ko inaamin sa sarili ko, hindi ko naisip ang mga bagay na ito. Masyado akong nakampante na hindi mawawala si Nat.

Masyado akong nakampante na hindi niya ako magagawang iwan. Masyado akong nakampante na palagi niya akong uunahin at iintindihin.

Kaya ito ako ngayon, I regret everything that I did in the past. Pinagsisisihan ko na hindi ko kaagad tinanggap sa sarili kong hindi na magiging akin si Khaine.

Pinagsisisihan ko ng sobra ng hindi ko pinansin ang nararamdaman ko para kay Nat.

And now that she’s marrying someone else, it really breaks my heart into pieces and I don’t know if I can still hold this pain anymore.

I’m so devastated and I can’t face anyone especially Nat.

Nat, I love you so much. I wanted to yell at your face and tell you how much I love you. I wanted you to marry me not that guy, I wanted to be with you, and I don't you to be with that asshole.

Nat, hindi mo na ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal na mahal kita, at kahit paulit-ulit kong sabihin wala na e.

Wala ka na, and this is my confession.

“Winter,”

Napahinto ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon. Limang hakbang muli dito sa kinatatayuan ko ay nakatayo si Nat habang suot pa rin ang napaka-ganda niyang wedding gown.

Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat ay nasa simbahan na siya at kasama ang taong papakasalan niya.

Hindi kaya? No! Imposible! Pinili kong humakbang palapit sa kaniya at pinilit ang sarili na ngumiti sa harapan niya.

“N-nat, bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa simbahan ka na? Baka hinihintay ka nila doon.”

Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimulang humakbang.

“Ihahatid na kita sa simbahan, halika na.”

Saad ko pa ngunit nanatili siyang nakatayo at hindi sumunod sa ‘kin kaya nilingon ko siya. “What's wrong, Nat?”

Binitawan ko ang kamay niya. “Male-late ka na. Halika na.”

“I'm not gonna marry him.”

I'm surprised by what she said at the same time my heart felt rejoice.

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon