Chapter 14

218 14 2
                                    

WINTER’s POV

“GOOD morning,”

I was surprised by Nat's sudden appearance in front of me. What is she doing here?

I mean, last night when I took her to their house, she said nothing when I mentioned Thyleigh wasn’t my girlfriend, but now, she’s  here and a genuine smile drawn all over her face.

“What are you doing here? Wala ka bang pasok?” magkasunod na tanong ko sa kaniya.

“Meron.” Tipid na sagot nito habang nakangiti pa rin. “And why are you here, again?”

Winter, parang kagabi lang gusto mong tigilan na niya ang pag-iwas sayo, and now here you are, asking her kung bakit nandito siya. Nagsusungit ka na naman. Aren’t you happy na hindi na siya umiiwas?

“Ihatid mo ako sa university. Sira car ko.” nakangusong saad niya. “Paano ka nakapunta dito?” kumamot naman siya sa kaniyang ulo.

“Taxi?”

Nasapo ko ang noo ko nang marinig ko ang sagot niya. Nag-taxi papunta dito, pero hindi dumeretso sa university.

“Fine.”

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang susi ng kotse. Pasalamat siya at nakaligo na ako, maayos rin ang bihis ko dahil may meeting akong pupuntahan.

Bahagya kong sinilip ang relong suot ko. 8:45 na at 9:00 ang meeting ko. “May lakad ka ba?” tanong niya habang nasa loob na kami ng kotse.

“Yes, meeting.” tipid kong sagot sa kaniya at binuksan ang makina. “Then, huwag mo na akong ihatid.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagmaneho na lang patungo sa university. Makakapaghintay naman ang mga ka-meeting ko.

Eksaktong 9 am ay nasa university na kami, as far as I remember, Nat class will start at 9:30.

“Thank you, Winter. Ingat ka.” tumango ako sa kaniya. “Nat, uhm. Say hi to Khaine, for me.”

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagmaneho na ako paalis. 30 minutes ang layo ng university sa WDV Inc.

I already called my secretary na i-aadjust ang oras ng meeting. 25 minutes had passed ang I’m here.

I parked my car and get inside. Dumeretso ako sa kabilang building at kaagad naman akong sinalubong ng secretary ko.

“Good morning, boss. They’re waiting for you inside the conference room.”

Tumango naman ako sa kaniya at nagdere-deretso na sa conference room na nasa dulo nitong building.

Pagbukas ng pinto ay kumpleto na nga sila at matiyagang naghihintay. “Good morning,” bati ko sa kanila at binuksan ang projector at kaagad na inumpisahan ang dapat naming pag-metingan.

“For everyone’s knowledge, we will have a new model that almost half of it will be made here by us before being shipped to Japan.”

They look to each other as if may ginawa akong masama. Tss! Well, maybe hindi lang nila in-expect dahil kakatanggap lang namin ng isang model last month.

“When was it released?” Oh, hindi ko pa nga pala nasasabi. “Just last week.” tipid na sagot ko kay Mr. Rivera.

“Does Senior Pablo know this?” I raised my eyebrow to the woman who ask me this nonsense question.

“When have I decided about this company that I should still seek his opinion?” I asked her back but she didn’t answer me.

“It is up to me to decide whether I will accept or not.” dugtong ko pa.

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon