Chapter 11

204 16 1
                                    


NATALIE's POV

"FOUND you!" para akong natuod nang marinig ko ang boses na iyon. Ayaw ko man ay nilingon ko pa rin siya.

"W-what are you doing here?"

Ano ba 'yan, Nat? Kalma, okay? Huwag mong ipahalata na kinakabahan ka.

Nakaupo pa rin ako dito sa damuhan habang nakasandal pa rin ang likod ko sa isang puno.

"Hinahanap ka." tipid niyang sagot sa tanong ko. "I never thought that you would look for me. As far as I remember, you are always looking at Shane."

Shit! Bakit lumabas 'yon sa bibig ko? Epekto ba ito ng alak? Hindi siya nagsalita kaya naman tumayo ako, medyo nakakahilo 'yon, pero kaya lang.

"Let's dance. Ang lungkot ng kinakanta ni Kylen. Pang-broken hearted. HAHAHAHA."

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya. Inubos naman niya ang laman ng boteng hawak niya bago ako hawakan sa baywang.

Para na naman akong kinukuryente. Sa tuwing hahawakan ako ng isang 'to parang may kuryente palaging dala, sasabayan pa ng malakas na pagkabog ng puso ko.

She stared into my eyes, but I know that my eyes are betraying me. I can't hide the sadness that I am feeling right now.

"Don't stare at me like that, Winter. You're making my knees tremble." saad ko sa kaniya sa napakaseryosong tono.

"Bakit ang manhid mo?" I asked out of the moment. She frowned and stare deep into my eyes.

"You know what, akala ko si Autumn lang ang magugustuhan ko. But I ended up liking you. I thought Autumn was my first love, but I realized that it was just infatuation."

Ano Natalie, sigurado ka na ba? Sasabihin mo ba talaga?

"I thought you're just my crush, at the first place, yes you are. But as the time goes by, I know you're still in-love with Shane. Winter, I can't stop myself from falling for you."

Bahagya akong napangiti, ang isang Natalie Devon Dela Cruz narito sa harapan ng isang Winter Dela Vega at lasing nag-co-confess?

"I started to have a crush on you, but I ended up falling in love with you. Winter, I love you. I love you, but I'm not expecting in return. I love you, but I'm not telling you to love me, either. I love you and I know that I am just a friend for you."

Beer lang pala ang makakapagbigay sa 'kin ng lakas ng loob na umamin sa kaniya pero hindi ko alam kong ano ba ang tumatakbo sa isip niya.

Blanko lang ang reaksyon ng mukha niya habang nakatitig sa namumungay kong mga mata.

I know anytime ay makakatulog na ako, but still I know what I am doing. Alam ko pa rin kung ano ang mga sinasabi ko.

Gusto ko ng kumalas sa pagkakahawak sa kaniya pero nahuli na ako ni Winter. She didn't say anything, instead she kissed me on my lips.

Hindi ko inaasahan ang bagay na ito, pero bakit? Winter, bakit kailangan mo akong halikan? Please, huwag mo akong paasahin.

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon