Chapter 19

252 17 2
                                    

WINTER's POV

IT HAS been eleven months, and still I can't find her. Hindi ko pa rin siya mahanap at wala akong ka-ide-ideya kung nasaan siya.

Nat, bakit ang galing mong magtago? Bakit ayaw mong magpakita sa'kin?

"It is with great honor I present to you for the first time as a married couple, Autumn and Khaine."

Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang malakas na boses ng pari na nagkasal kay Autumn at Khaine.

Yes, they're married now. Nandito kami ngayon sa Australia kung saan ginanap ang kasal ng dalawa.

"They really look good together." I nod at Summer. "At wala na talagang makakapigil sa pagmamahalan ng dalawa." dugtong niya pa.

Sa ngayon ay palabas na kami sa simbahan at patungo na sa hotel kung saan mag-titipun-tipon ang mga bisita na hindi naman sobrang dami.

"How about you, Winter?"

Nagkibit balikat ako sa kaniya. "I still can't find her, Summer. I don't know, hindi na yata ako magiging masaya pagdating sa taong minamahal ko."

Napapikit ako ng mariin at napabuntong-hininga. This is the third time that I fell in love but always end up broken-hearted.

Hanggang ganito na nga lang yata ang patutunguhan ng buhay pag-ibig ko. Maybe, this is my karma.

Karma sa mga pagkakamaling nagawa ko noon, kung bakit ba sa tuwing mahuhulog ako sa isang tao ay huli na bago ko pa marealize?

Nakarating kami sa HB Hotel at kaagad na sinalubong ng ibang bisita sila Autumn. Ako naman ay dumeretso muna sa fifth floor kung saan naroon ang kwartong inuokupa ko.

Nahiga lang ako sa kama at nagpalipas ng oras.

-

"Winter,"

Nilingon ko si Nat na maganda na naman ang ngiti. Palagi naman maganda ang ngiti ng isang 'to, e.

"Yes?"I asked, biglang namula ang pisngi niya. Napailing ako at magsasalita na sana ulit pero nagsalita na siya.

"I love you."

Natameme ako, alam kong umamin na siya sa'kin noong gabing mlasing siya sa birthday ni Trianah, pero hindi ko naman akalaing sasabihin niya ito ng hindi siya lasing.

"Thank you."tanging sagot ko na lang sa kaniya. "Your welcome."ngumiti siya sa 'kin at umiwas ng tingin.

"Look, Nat. I'm sor-"

Hindi na naman niya ako pinapatapos sa pamamagitan ng pagtaas niya ng kamay niya,

"Huwag ka ngang mag-sorry. Parang ewan naman 'to. HAHAHA. Gusto ko lang sabihin na mahal kita, at fyi lang ha, hindi ako naghahangad ng kapalit, slight lang."

Pagkasabi niya noon ay bigla na naman siyang tumawa. "Joke lang, ang seryoso mo masyado, e."

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon