Chapter 20

308 18 0
                                    

(dedicated to; Inactive WP from facebook)

WINTER’s POV

“NAT, nahuli man ulit ako pero ito ako. Siguradong-siguro sa nararamdaman ko para sa‘yo.”

Marahan kong pinisil ang mga kamay niyang hawak ko pa rin pero may naramdaman ako. Unti-unti kong ibinaba ang tingin sa mga kamay kong hawak ang mga kamay niya.

Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kaliwang kamay ni Nat at iniangat ito para mas makita ko.

The moment that I saw her ring finger, my chest hurt as if my heart is stabbed of millions knives.

“N-nat, n-no. D-don’t tell me?”

Marahan siyang tumango ng sunod-sunod. No! This can’t be happening. “No, Nat. Tell me, you’re joking right?” Nagbibiro ka lang naman hindi ba Nat?

“I’m not joking, Winter. I-i’m engaged.”

No! Hindi pwede! “Nat, mahal kita. Hindi ba ito ‘yong gusto mo? Hindi ba mahal mo ‘ko? Nat, sabihin mo naman, oh.”

Bumitaw na rin siya sa pagkakahawak ko.

“That was before, Winter. And yes, you’re too late. Noong umalis ako at hindi na nagparamdaman sayo, nagdesisyon na ako no’n na kalimutan ang nararamdaman ko para sa‘yo dahil masyado ng masakit.”

Tama na!

“I’m sorry, Winter.”

Nagsimula na siyang humakbang at nilampasan ako. “Nat.” Tawag ko sa kaniya pero hindi siya huminto.

“Nat, I love you.”

Alam kong naririnig niya pa ako, pero hindi siya huminto, hindi niya rin ako nilingon.

“Natalie, mahal kita.”

Medyo lumakas na ang boses ko dahil unti-unti na siyang lumalayo sa pwesto ko. Gusto ko siyang habulin pero parang naka-glue na ang mga paa ko.

“Nat, I love you. I love you so much. Please, huwag ka namang umalis ulit.”

Malakas na sigaw ko at pinilit na humakbang para habulin siya. Pero muli rin akong napahinto nang salubungin siya ng isang lalaki at niyakap siya.

Matapos nilang mag-yakapan ay hinawakan ng lalaki sa kamay si Nat at iginiya paalis. N-nat.

Nat, siya ba? Siya ba ‘yon taong handa mong pagbigayan ng oras at pagmamahal mo sa buong buhay mo?

Siya na ba ‘yong taong gusto mong makasama habang-buhay?

Ang sakit. Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko, ang pinagsisisihan ko ay kung bakit nahuli ako sa pag-amin sa sarili ko?

***

“OKAY lang ‘yan, Wints. Makaka-move on ka rin.”

Tinapik ni Summer ang balikat ko, pangatlong araw na rin noong umamin ako kay Nat.

“Lupit ng tadhana sayo sis, patatlong babae na ‘yan pero broken-hearted ka na naman? Hindi ka ba nauumay?”

Gago rin talaga ‘tong si Spring, e.

“Last na ‘to.” Sagot ko sa kaniya. “Last na bote ba?” Pang-aasar ni Summer. “Nope. Last na si Nat, ayoko na.”

Sa ikatlong pagkakataon, broken na naman. Malupit nga talaga ang tadhana. Binibigyan ako ng taong mamahalin pero hindi rin naman ibinibigay sa ‘kin para maging akin.

Winter's Confession (Four Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon