WINTER’s POVPatuloy ko pa ring hinihila si Nat pero bigla siyang huminto dahilan para mapahinto na rin ako kaya naman nilingon ko siya kaagad.
Nandito kami ngayon sa fourth floor at hindi ganoon karami ang taong nandirito. Seryoso lang siyang nakatingin sa ‘kin.
“What?” Malamig na tanong ko sa kaniya. Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa braso niya at sumandal bago nag cross arms.
“You know what? Crush kita pero ayokong sabihin, baka kasi kiligin ka.”
Hindi ko alam kong anong irereact ko. I wanted to laugh by what she said but I force myself to stay cold infront of her.
“Sinabi mo na,” wala pa ring emosyon na saad ko. Nanatili pa rin siyang nakasandal sa glass wall ng isang salon at nakacross arms.
“Whatever, Winter. Crush kita pero hindi ako magpapakaladkad sayo, noh.”
Hindi ko alam kong pinagtitripan ba ako ng isang ‘to o ano. Parang ewan lang, e. Wala yatang masabi na matino.
Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. “Ang tahimik o, kinikilig ka na ba? Sabi na e, ayokong sabihin kasi kikiligin ka.”
Fuck! Ano bang sinasabi ng batang ‘to? “Naku Winter, ikalma mo lang baka mamaya maging crush mo rin ako niyan.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Baliw na ba siya? Ano bang ginawa ng babaeng ‘to sa loob ng ilang araw na hindi ko siya nakausap?
Hindi ko na lang siya pinansin. “Uy ano, kinikilig ka talaga noh? HAHAHA oh my god Winter. Don’t worry, kung makakatulong ‘yan e di pakikiligin kita araw-araw.”
Dahil hindi na ako nakatiis ay nagsalita na ako.
“I thought Autumn is your crush.” This time umalis na siya sa pagkakasandal sa glass wall at nagsimulang maglakad.
Sumunod lang ako sa kaniya at nang katabi na niya ako ay bigla siyang huminto. Na naman.
“That was before. I just found myself having a crush on you 1 year ago.”
Alam kong hindi siya nagbibiro, napakaseryoso niya at ramdam ko ang sinseridad niya.
And I know Nat isn’t the type of person na gagawin kalokohan ang pag-amin ng tungkol sa nararamdaman.
“Oh well, you don’t need to crush me back. All I want is to help you,”
Biglang nag-iba ang reaksyon ng kaniyang mukha, mula sa pagiging seryoso ay nagkaroon ng bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata.
“I hate to see you being like this, Winter. Ilang araw ka ng hindi lumalabas ng bahay niyo, ng kwarto mo. Medyo pumayat ka rin at alam kong puro alak na lang ang inaatupag mo.”
I looked away. Ayokong salubungin ang mga tingin niya. “Ginawa mo na ‘yan noon, gagawin mo na naman ba?”
Hindi ako nagsalita. “Winter, look at me.” Ayoko man ay ginawa ko pa rin ang sinabi niya.
Hindi ako nakareact nang bigla niya akong yakapin. Iba ang yakap niya ngayon. Ito ‘yong yakap na kailangan ko. Ito ‘yong yakap na kapag maramdaman mo babagsak na lang ng kusa ang mga luha mo.
“Ayokong pabayaan mo na naman ang sarili mo kagaya ng ginawa mo 2 years ago. I-I can help you, Wint––”
Kumalas ako sa yakap niya. “I don’t need your help, Nat.” tinitigan ko si Nat sa mga mata. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. But I don’t need any help.
BINABASA MO ANG
Winter's Confession (Four Season Series 2)
RomanceBehind Winter's agony for being broken-hearted, she was left cold-hearted and was mean again. But Natalie stays on her side, loving her and cares for her. Will Natalie break the walls to save her from this suffering? Or will she give just up, after...