Chapter 7

40 18 6
                                    

Treacherous Heart

Chapter 7

Adie

Ilang araw na lamang ang natitira para sa gaganaping school festival. All of us are having fun kahit na sa sobrang busy.

“Go go go! Double time!"

We are now at the gymnasium halos walang tigil kami sa practice. Samantha was our director in this theatrical. She was fun to be with.

“Singers! Ready! Dapat bilisan pa yung pagkilos ng mga tela! Kasi another scene kaagad yung papalit"

“Kyle, nakikita kita rito magtago ka pa sa tela ganyan nga. Thank you"

After ng dalawang ulit na pagpractice ay tumigil na muna. Sabado ngayon at pinayagan kaming bumalik.

I was about to get my drink nang may walang hiyang tumapak sa Chuckie ko.  My dress got stained because of it. When I look up to see who it was, a scene from the library flashes into my head.

“What the! Look what have you done to my shoes!"

Bulyaw agad nito saakin ang kapal naman talaga. Ako pa ngayon yung may kasalanan. Everyone was looking at us.

“Tanga ka ba?! Gamitin mo kasi mata mo!"

“You're blaming me now?"

“Well, as you can see to my dress it got stained because of your katangahan!"

Hindi pa sana kami titigil sa pag-aaway kung hindi pa pumagitna saaming dalawa si Aria.

“Okay, enough. Wala tayong magagawa"

Wala akong ibang magawa kundi ang pumunta sa malapit na comfort room. Mabuti nalang may dala akong extra T-shirt. I was so mad na halos gusto ko syang tirisin.

Pagbalik ko ay wala na roon si Aria at yung lalaking iyon. Nanlulumo akong tiningnan ang paboritong inumin na nagkalat sa sahig.

“Don't be sad, Aice. Kali knows what to do"Kunot noo kong tiningnan si Jace, one of Kali's friends. 

“Let's go first"

“Wait, si Candice sasama ko siya"

“Wala si Candice dito sinundo na ni Val"

“What about my cousin?"

“Kasama niya si Adie. Don't worry about her, she's fine"

Pagkarating namin sa canteen ay wala gaanong tao maliban na lang sa mga iilang college students na naroon.

“Asan yung in love ?" Pagtatanong ni Jace pagkarating namin sa table kung nasaan nila Nathan at Yvon.

“Wala pa, iniwan nga kami dito nagmamadali"

Wala akong magawa kundi ang umupo kasama sila. They were talking about something e hindi ko naman maintindihan. And that time my phone vibrate for notification.

Kali Alexandre Llamerez
: San ka?

Ilang segundo ko pang tinitigan ang chat niya. This was the first time he chatted me.

Kali Alexandre Llamerez
:Seen pa nga

Hindi ko maiwasan ang mapatawa sa chat niya. Kaya agad na ako nagreply.

Me
:Canteen, kasama ko mga kaibigan mo

Kali Alexandre Llamerez
:Otw na ako. Hintayin mo ko. Wag kang aalis :>

Me
:K

“Papunta na raw sya" They all look at me as if I did something wrong.

“Oww, papunta na raw sya" ulit naman ni Nathan sa sinabi ko. Ewan ko ba sa tatlong to pangiti ngiti pa.

After a while, dumating na ri si Kali and he was holding a cellophane. Halos hindi ko matanggal tanggal ang paningin sa hawak niya.

“Oh ayan binilhan na kita ng chukie. Sana matuwa ka sa nakayanan ko" He said

My lips parted wanting to say something but no words came out. I could hear saying oww from his friends.

“You don't have to do this" Umiling lang ito sa sinabi ko.

“Naaawa kasi ako sayo kanina konti nalang iiyak ka na" I close my eyes trying to calm down my nerves.

“Adie?" When I heard that familiar name dali dali kong minulat mata ko halos mapanganga nanaman ako sa hawak nitong dalawang balot ng chuckie.

What the hell.

“I came here to apologize for what I did. I'm sorry Aice "

“Owww" That's from Nathan and Jace

“Salamat para dito"

Wala akong ibang magawa kundi ang ngumiti ng malawak ng dahil sa mga chuckie na nasa harap ko. I guess tambak nanaman ang chukie sa ref.

“I'll go ahead then, see you around Aice" Kumaway pa ako sakanya hanggang sa mawala na sya sa harap ko.

“Pre, dalawang supot oh. Sayo isa lang"

“Ikaw supot"

“Salamat din, Kal"

“Walang anuman. Ikaw pa lakas mo kaya kay Kal"

Nagtawanan naman ang tatlo habang inaasar kaming dalawa ni Kali. Wala naman akong magawa kundi ang makitawa sakanila.

“By the way, sino nga ulit yun?" Pagtatanong ko kay Kali habang busy to kakasipsip ng Chukie kahit ubos ng yung laman.

“Sino?" Tanong pa nito.

“Yung si Adie, sino sya?"

“Bat mo tinatanong?Crush mo nanaman?"

“Adriel Lacsamana, for short Adie. First Year college architecture"

Tumango tango naman ako sa sagot ni Yvon. Sinamaan naman ito ng tingin ni Kali. What's wrong with him.

“Mga pre, next year college na tayo"

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon