Chapter 9

34 14 1
                                    

Treacherous Heart

Chapter 9

War

After our perfectly fine theatrical show, each of the members of the music club has given a medal as a reward. We are all happy about what's the result of our hard work.

We also watched Melody's game as we promised her, we enjoyed it as how our year level won the game. She's qualified as a volleyball team now.

We took a picture of us together holding our medals. Indeed, it pays for our struggles and hardship.

"Congrats Melody!" Bati namin sakanya ng marating namin ang pwesto niya. Halos pawisan pa ito kaya hindi na namin nayakap pa.

"Picture tayo mamaya! Ligo muna ako para fresh!" Agad din itong nagpaalam para maligo na raw.

"Chuckie?And C2" Muntik pa akong matumba sa gulat. Hindi ko alam kung saan ba sya galing. Para syang kaboteng sumulpot nalang kung saan.

"Gulat ka? Ito chuckie para sayo kawawa ka naman" Matutuwa na sana ako pagiging considerate nya dagdag points na sana pagiging gwapo.

I sat down and feel the cool breeze as if it was combing my hair. Ganun din ginawa ni Aria habang iniinom ang juice na bigay sakanya ni Kal.

"Kali!May naghahanap sayo!"It was Jace with Nathan. Kumaway naman ang dalawa at sinuklian ko lang ng isang ngiti.

"Yow Aria kamukha ni Perla" It was Nathan na inaasar ang pinsan ko. "Bwesit ka!" At kunwari itong hahampasin na Aria. Nagtatawanan kaming apat dahil sa pag-akto ni Nathan na para bang nasaktan talaga sya.

"Nga pala, sinong naghahanap sakin?"

"Babae"

Hindi ko alam kung bakit nasa saakin ang mga tingin ng mga taong to. Na para bang binabantayan ang magiging reaksyon. I just gave them a puzzle a look.

"Maganda"

"Ah si Jade" Maikling sagot na ibinigay ni Kal. Tumango naman si Jace habang ang mga mata nito'y nakatuon saakin.

Maganda pala ha.

"Nasa classroom sya. Hihintayin ka raw, teka nga pre medyo magulo ka e kala ko si---" May sasabihin pa sana ito ngunit naunhan na ito ni Jace na hilain papaalis.

"See you around , Aice , Aria!"

"Si Jade nasa classroom! Puntahan mo na bobo!" Pahabol pa ni Nathan habang hinihila ni Jace. Ang cute nila.

"Hays, sabi na ngang bukas na" Pagrereklamo pa nito habang tinatali ang kanyang buhok ewan ko pero natawa ako sa itchura nya ngayon, ganun din ang naging reaksyon ni Aria.

"Ano? Kayo lang ba ang may karapatang magtali ha?"

I don't know what kind of spell possess me, dahil bigla ko nalang pinindot ang kaliwang cheeks ni Kali. It was soft well, I could pinch it all day.

"What the! Aice!Kinikilig ata! Wala ka pala sa pinsan ko Kali e sus talo ka ng babae" Hindi tumitigil sa pagtawa si Aria sa pulang mukha ni Kali.

"Red broccoli" I mouthed. Na mas lalo lang nitong ikanapula.

"You're crazy, humanda ka sakin Aice. Alis na ako, chat moko pagkauwi niyo"

"Wow hanep may ganun? Protective boyfriend?"

Tumatawa parin si Aria hanggang makaalis na si Kali sa paningin namin at ako naman ang nagawa niyang asarin.

"Nakabalik na ako yow, ako si Melody yow!" It was Melody and she was wearing their own team shirt.

"Tara picture!" Pagayaya ko sa dalawa baka may kung ano pang masabi si Aria sakanya.

Kung ano-anong pose ang pinanggagawa naming tatlo hanggang nagpakuha kami ng litrato sa isa mga estudyanteng napadaan lang.

Our school day ended with a huge smile on our faces. Hindi ko maitago ang kilig na para bang nasa ulap ako sa sayang nadarama.

Pero natatakot ako sa nararamdaman ko. It was my first time having a crush on someone, ni hindi ko pa nga sya kilala ng mabuti.

Me
:I'm home :>

Tulad ng sinabi niya ay nagsend ako ng chat. Hindi pa naman ito online kaya hinayaan ko na lang muna.

Halos tinatakpan ko ang mukha ko ng unan dahil sa ngiting hindi ko maalis alis. Damn that man. Damn you Alexandre.

"Kali Alexdandre Llamerez"

Mahinang bulong ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahiyaw sa kilig.

Halos napatalon ako sa gulat ng makarinig ng ng kalampag. Dali dali akong lumabas ng kwarto.

I was stunned in the situation. Aria was lying on the floor. Walang sabi akong lumapit sakanya para tulungan itong tumayo. Pero agad akong hinawakan ni tita Liza sa braso. Sobrang higpit nito.

"Dahil saiyo, natutong lumandi ang anak ko! Alam mo pareho kayo ng nanay mo e, napakalandi!"

Kaya kong tanggapin lahat pero ang murahin niya si mama hindi ko iyon matatanggap.

"Wag ninyong itulad ang nanay ko at si Aria sainyo"

"Napakabastos mong bata ka!"

Isang sampal ang naging dahilan ng pagkakaupo ko. I was still shock nang hablutin niya ang buhok at agad akong sinabunutan. Arai tried to stop her mom but she's stronger.

"Tangina niyo! Bwesit ka bakit ka pa nabuhay!"

Walang sawa syang hinahampas ako. Ramdam ko na rin ang panghahapdi ng mga braso ko. Finally, with Aria's help I free myself from her mom. She was angry.

"At ikaw! Sinong nagsabi sayong kakanta ka! Walang kakanta!" Sigaw nito kay Aria at sinampal.

"Anong ginawa mo!" It was aunt May she rushed and grab tita Liza's arm saka sinabunutan. The whole house are in totally chaos right now.

May mga iilang picture frame ang nahuhulog at nababasag , wala akong magawa kundi ang humiga at pakinggan ang sigawan. Walang salita ang namutawi .

Na para bang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo at bumagal ang oras. Ang gulo at ang ingay paulit-ulit saaking isipan.

"Tama na! Tama na!" I shouted.

"I won't let you hurt Aria again. Mark my words tita"

And that's how my day ended.

Note: Please let me know what's your thoughts on this story. You leave your comments. Thank you!

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon