Chapter 11

22 13 4
                                    

Treacherous Heart

Chapter 11

Ang Paraluman

Ilang araw ang lumipas at ngayon na ang araw na hinihintay ng lahat, ito ang huling pagsusulit sa taong ito. Sa ilang araw na lumipas ay walang tigil ang pag-uusap at pangungulit ni Kali. In the end i gave in, nasasanay na rin ako sa mga simple gestures nya, sa mga maliit na bagay na ginagawa niya and I was happy and contented.

Halos wala syang palya kakahatid saakin kahit ilang beses ko ng sinabi na hindi na kailangan. And he is always there tulad nung nakaraang araw lamang, he visited to our house ni hindi ko sya naasikaso o nabigyan man lang ng atensyon. I was busy doing homework and projects.

Instead, sya ang nagasikaso saamin ni Aria, as if we are his visitors. Magkasundo din sila ni aunt May, nung umuwi na si Kali ay panay banggit saakin ni aunt May kung anong pinag-usapan nila and it's all about me.

Halos mabibiyak na yung ulo ko pagkatapos ng unang tatlong subject, I'm not that smart kid ako yung tipong hindi naman matalino at hindi rin mahina, yung may tamang alam, parang sa gitna ng dalawa.

Tumatawa kaming dalawa ni Aria dahil hindi namin naiintindihan ang pinagsasabi ni Melody. She was nagging about the exam, ni halos hindi na nga namin matandaan kung ano ba sinagot namin.

Hindi ko rin mahagilap si Kali, maybe he was busy too.

I saw Jace na para bang pinagbagsakan lahat ng problema dahil sa mukha nito. I gulped when he was holding a chuckie.

“Delivery for miss Adanes." Saad nito na nakabusangot pa, hindi ko maiwasang matawa sakanya. His phone rang and he answered it immediately.

“Oo naibigay ko na, tangina mo na rin" Walang sabi nitong pinatay ang tawag at naupo sa tabi ni Melody.

“Problema mo? Ano ba tong kaibigan niyo Aice, kaaliwas ng panahon nakabusangot"

“Parang ikaw?" Agap ko naman at napakamot nalang ito sa ulo at nagbuntong hininga.

“Itong si Kali kasi, nautusan ako. Hindi na nakakatuwa" He said without looking at me. Nahiya naman ako sa sinabi niya.

“Pero si Kali yun kaya ok lang, bumabawi naman. At sabi pa niya, galingan mo raw" Saka binigyan na niya ako ng munting ngiti.

After that ay umalis na rin sya dahil may exam pa sila tulad namin.

Day ended, it was exhausting. Napag-usapan naming tatlo na after exam we will hang out together.

The next day ay mas naging okay dahil minor subject nalang. Nasa harapan ang pwesto ng upuan ko habang si Melody ay nasa gitna at si Aria ay nasa labas ng classroom nakapwesto. Isang dipa ang layo namin sa bawat isa saaming mga katabi.

Lunch time at tapos na rin ang exam. Palabas pa lang kami ng classroom ay may naghihintay na sa labas. Apat na lalaking pagod na pagod na akala mo ay sumabak sa isang gyera.

Hindi nila agad napansin kung hindi pa isa isang tinapik ni Melody ang bawat isa sakanila. I look at him straight to his eyes, he was wearing his sweet smile but his eyes were just exhausting and tired tulad namin.

“Tara kain?"Pagyaya ko sakanya at ganun din sa iba.

“Oh tara kain!" Masiglang saad ni Yvon at hinatak ang dalawang kaibigan at sumunod naman ang dalawang kasama ko.

“Let's go" Sabay kaming naglakad na nakasunod sa mga kasama namin.

“Uhm nga pala, ano...nagyaya si Nathan. After exam labas tayong lahat" He said without looking at me, nakayuko lamang ito na para bang kausap niya nanaman ang sahig.

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon