Chapter 22

11 4 0
                                    


Treacherous Heart

Chapter 22

Paper and Tears

Trigger warning strong words, self harm.

Wala na akong naiwang lakas nang bumaba ako ng kotche, nakaalalay naman saakin si Marc at sinalubon naman ako ng mama nito.

“Aice!"

“Tita"

Iyon lamang nagawa kong banggitin hanggang tuluyan na akong makapasok sa mansion ni lola. Dumeretcho na ako sa silid ni papa at basta nalang nahiga roon, hinayaan ko ang mga luha habang naglalaro saaking isipan ang mga alaala naming dalawa.

Walang salita ang namutawi saakin, tanging pagtangis lang hanggang sa gabi. Kahit anong pagod sa pag-iyak hindi ko nagawang matulog.

“Aice? Apo?" Dali dali akong bumangon at binuksan ang pinto, it was my grandma at my cousin kuya Mikee.

“Lola" Halos basag ang boses ko dahil na rin mula sa pag-iyak. I saw pain and sadness crossed my lola's eyes.

“Kain tayo?"

Mabagal ang naging pagtango saka ko sya hinawakan sa braso ni lola at inihiga ang ulo sakanyang balikat.

“Magiging maayos din ang lahat, apo"

Dumating ang gabi at nakita ko kung paano nagbago ang malapad na sala nila lola.  I was there staring at my sister's coffin, naglaro sa isipan ang mga alaala, na para bang isang teleserye.

“Dahil sayong punyeta ka!"

Walang sabi akong hinila ni tita Liza,saka pinaghahampas at sampal. Wala akong ginawa para pigilan sya, tanggap lang ako ng tanggap hanggang sa hilain na sya mga tao palayo saakin.
Yakap yakap ako ni tita Freda, napakagulo sa loob ng bahay kahit ibang tao ay nagtataka kung anong nangyayari.

“Halika na Aice, kailangan mo muna magpahinga"

“Ano ba naman kayo! Ako yung namatayan ng anak pero iyang punyeta na yan ang kinakampihan niyo?!" 

Sa tulong ni Marc ay nagawa kong tumayo, everyone's eyes is on me, nagtatanong ang mga ito, siguro ay kasalanan ko nga.

“How dare you!" Gulat ako sa sigaw ni lola saka nitong malakas na sinampal si tita Liza.

“Ang kapal ng pagmumukha mong pumunta pa rito! Alam ko na lahat ng kagaguhan na ginawa mo Liza! Dahil sayo! Dahil sayo, nawalan ako ng anak!" It was the first time I heard my grandmother yell at sobrang galit nito, dahil kita ang panginginig sa bawat salitang binitiwan nito.

“Mama, halika na po. Mabuti pa magpahinga muna tayo" it was Leria, ni hindi niya magawang tingnan kami.

“I'm sorry po, kung maaari lamang ay nais naming kunin si Aria"

“Hindi Leria, dito lang ang kapatid mo. Dito niya nais mamahinga"

“Mga sinungaling! Kayo ang pumatay sa anak ko! Kayo!"

Napuno ang lamay ng sigawan at iyakan. Sa huli ay nagawang paalisin si Tita Liza at sinabing babalik na lang ito sa susunod na araw.

“Aice? Are you okay?" Wala sa sariling tumango saka iniwan sila sala at lumabas. Tahimik kong tinungo ang duyan saka naupo roon habang tinatanaw ang walang ningning na kalangitan.

“Ano bang nagawa ko sa nakaraang buhay kung bakit mo'ko pinaparusahan ng ganito?"

“Nasisiyahan ka bang nakikita akong naghihirap?"

“Sino pa ang kukunin mo?"

Sunod-sunod na pagtatanong ko habang nanatiling nakatanaw sa kalangitan. Pinunasan ko rin ang mga luhang walang tigil.

“Aice" Hindi ko nagawang lingunin si lola.

“May iniwang sulat saiyo ang kapatid mo"

Nanlalamig ang mga palad na inabot ko ang sulat, it was color blue paper and had ribbon on it. Mapakla akong tumawa dahil sa mukha pa lang nito mukhang pinaghandaan niya talaga.

“Maiwan muna kita apo"

“Salamat, la. Salamat dahil hinayaang ninyong tumuloy sya rito kahit panandalian"

“Apo ko rin sya Aice at tulad mo'y minahal ko na rin sya"

Dahan dahan kong binuklat ang papel and there a picture of us have a good time together. Hindi ko mabilang ilang inhale at exhale ang ginawa ko bagk basahin ang sulat niya.

'To my dearest sister Aice Adanes,

     Its been a rough days for me and to you also. Medyo hindi naging maayos ang pagpapaalam ko, pasensya ka na dahil hindi ko kayang magpaalam sayo. Pasensya na sa mga nagawa ko, just to earn my mother's love. Grabe noh? Sa sarili kong ina, nanlilimos ako ng pagmamahal at pag-aaruga. Salamat din dahil kahit papano ay naramdaman kong naging mahalaga ako sayo, alam ko ang naging dulot kong sakit sayo, but worry no more, dahil wala na ako.

Sapo ko ang dibdib dahil sa unang paragraph pa lang ay halos hindi na kakayanin ng puso ko. I regret for letting her walk away from me, I already seen the sign pero binalewala ko, nakita ko nang namamaalam sya saakin nung araw na yun pero wala akong ginawa.

How I wish ganun ako katapang tulad mo, I've seen you grow, and strive to live na mag-isa. Mula nang mawala sila saiyo, naging matapang kang harapin ang bawat bukas. Sana tulad mo rin akong lumaban kaso hindi Aice e. Forgive me for I am a sinner.

Sa huling araw ko, please sing for me.
Live for me.
Fight for me.
Be happy for me.

Love,
Aria Monté Adanes.

Yakap yakap ko ang papel habang humihikbi, sumisigaw sa kalangitan. I did not bother the rain, hinayaan ko na lamang mabasa ako at tinatabunan nito ang mga luha. Na para bang hinihele ako nito.

“How am I suppose to live Aria? How am I suppose to fight? I don't know anymore."

“Pwede bang sumama nalang sainyo?"

Tahimik akong nagtatangis  but the heaven did all the yelling and cry for me.

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon