Chapter 29

10 1 0
                                    

Treacherous Heart

Chapter 29

Will you..

Patapos na ang klase na halos sasabog utak ko sa Biomolecules naming subject. Napatanga naman ako kay Tala na nakatanaw naman sa mga ulap. Isa sa mga bagay na napapansin ko sa kanya, mahilig siyang tumitig sa kalangitan tapos ngingiti pa ito na para bang may nakikitang espesyal roon.

"Class dismiss." Dinig ko ang ilang hiyawan ng mga kaklase namin saka ako lumapit sa babae. "I wonder kung anong pakiramdam ng magpalutang lutang sa hangin." Saad nito habang nakangiti pa rin sa alapaap.

"Hoy!"

"Ay kabayo!"

Agad napataas ang isang kilay ko sa narinig, aba nga naman sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nasabihan ng kabayo! Magandang kabayo naman!

"Come again?" Kunwaring naiirita kong tanong, nag peace sign naman ito. "Nanggugulat ka e."

"Ayos ka na ba? Sorry nga pala ulit ha." Tumango lamang ako at umupo sa tabi nito. "Ano bang tinitingala mo dito kanina pa."

"Wala lang. Maganda kasi yung mga ulap parang ang sarap humilata lang dun at magpalutang lutang. Diba?"

"Anyways, puntahan mo ba katawan ni Melody?" Umiling na lang ako ng bahagya, bakit ko naman pupuntahan ang katawan ng isang taong hindi ko naman kakilala. Pero sa paraan ng pagpunta ko roon, maaari akong makakalap pa ng information about the night of incidents.

"Siguro." Maikli kong sagot.

"Halika na nga libre na lang kita ng favorite drink mo." May kung anong masiglang sumapi sa akin at kumapit pa sa braso nya habang papalabas pa ng classroom.

Pagkauwi ko'y halos naka-on ang ilaw sa buong bahay kaya't nagmamadali akong pumasok assuming that Kali was already here. Dali dali akong pumasok ng bahay and to my surprise aunt May was there.

"Nak! Nakauwi ka na pala. Halika at magmeryenda ka." Malumanay nitong sambit tulad lamang ng dati. Wala akong sinayang na oras pa at tumakbo sakanya saka umiyak na para bang bata na nagsusumbong sa kanyang ina. "Y-you're back! Aunt May!" Yakap yakap lamang ako nito ng mahigpit.

"Ssshhh andito na ako. Hindi na ako aalis pa."

"Lika kain tayo?" Tumango ako at sumunod na lamang sakanya. Masigla akong umupo at excited habang hinihintay ang paghain ng pagkain.

Sa mga sumunod na araw ay lalo lamang ako nagaganahang umuwi knowing that my aunt May has finally came back.

"Ate Aice! Ghad I miss you!"

"Sipsip! E halos kahapon lang kayo nagkita nyan."

"Whatever kuya!"

Nauna na kaming pumasok ni Karina sa bahay nila habang si Kali naman ay nasa kotche pa at may kinukuha pa. "Ate nagluto ako ng pancit lika tikman mo, for sure sa sarap makakalimutan mo si kuya." Hindi ko mapigilang tumawa sa sinabi nito na mukhang rinig naman ng lalaking halos kakasunod lang sa amin.

"Hoy hoy! Wag na baka mapunta pa sa iba."

"Arte mo!"

"O tama na yan kakain na tayo." Pag-aawat ko pa sa dalawa para hindi na mapunta pa sa isang debate ang usapan nila. Lagi namang ganon ang dalawa, nag-aasaran sa una maya maya ay nagiging debate na.

"Ang sarap ha. What if you open a restaurant?"

"Hinay hinay lang Aice, karenderya palang kaya ng bulsa ko mahal ko." Mahina ko naman itong hinampas sa braso at umacting naman itong nasasaktan.

"Hindi mo na ba ako mahal? Sinasaktan mo na ako ah. Hindi ka naman ganon dati ah." May paiyak iyak pa ito at nagpapaawa sa kapatid na humagalpak naman ng tawa at hinahampas sya sa braso.

"Tama na tama na tama na! Oa ka sis!" Pagbabawi naman ni Kali sa braso niya at naupo ng maayos. "Hindi kaya yun masakit kuya ang hina nga e. Ikaw oa mo."

"E kung ikaw kaya hampasin kong bruha ka."

"Tama na nga yan. Ang mahuhuli syang magliligpit!" Muli kong pag-awat sa dalawa at naunang tinapos ang sariling pagkain. "Duga mo babe." Saad naman ni Kali na nakabusangot pa.

Sa huli ay si Karina pa rin naman ang gumawa kahit gusto kong tumulong ay hindi naman sya pumapayag. Wala akong magawa kundi ang tumungo sa mini garden nilang magkapatid. Karina loves flowers and Kali loves trees. Naupo ako sa upuang gawa sa rubber at tire ng kotche.

I finally found my peace and happiness, nakakasawa na kasing magdusa. Everyone deserves to be happy and contended.

"Babe malamig dito."

"I miss your hair."

Lumapit ito sa akin at umupo mismo sa tabi ko at ikinulong ako sa bisig nya. I love his smell, I love it when his arms surround me I feel so safe, for he is my home.

"Aice."

"Hmm?"

"I want to see your smile every time I woke up. I want to be your husband, your home you've prayed for and bring you breakfast in bed. I want to be a father of our son and daughter. And lastly, I want to create a song with you and sing with you until our hair turns to gray and were old."

"Will you take me?"

Halos tulala ako sa mga narinig, mabagal niyang pinakita sa akin ang isang maliit na kahon na kulay itim. And the time he open it, an elegant ring showed up. What the hell!

"Will you be wife? Will you marry me?"

Under the thousands twinkling stars and the light of the moon above us. I know God is watching us, and I would like to thank Him. After what happened to our lives hindi niya kami pinabayaan at hinayaang magkatagpong muli. Wala na akong mahihiling pa.

"I love you Kal. I'm sorry for today's onward you will be stuck with me. I will marry you."

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon