Wanting Twelve

40 34 4
                                    

WANTING TWELVE

"ELLE"

Napalingon ako sa tumawag sakin at hindi nga ako nagkakamali dahil si Harry yun. "Harry?" tawag ko sa kanya, dumistansya naman si Kenchie sakin.

Hindi ko alam kung ako lang ba yung awkward oh ano, pero gumitna na ako sa kanila. "Ahm, Kenchie, una na ako, ah? Sasabay na ako kay Harry" sabi ko tumango naman si Kenchie sakin.

"Sige ingat" sabi ko tumango naman siya lumapit na ako kay Harry at kumapit sa braso niya "Lapit ah?" sabi niya halata naman sa boses niya na sarcastic yun "May tumalsik kase, tinabi lang naman ako ng tao para hindi ako matalsikan, napaka mo" sabi ko sa kanya

"Wala akong sinabi, sabi ko lang malapit" sabi niya pa hinampas ko naman ang braso niya "Parang ganun na din yun, ang sarcastic ng tono mo, kaibigan mo kaya yung tao" sabi ko at bumitaw sa braso niya

Nauna na akong maglakad sa kanya, inabot niya lang ang helmet niya kaya kinuha ko yun. Pagkasakay niya ay ganun din ako, ewan ko pero may part sakin na nagalit ako sa kanya dahil feeling ko nagalit siya kay Kenchie, magkaibigan sila kaya ayaw kong mag-away sila.

Pinaandar na niya ang motor niya hanggang sa  may bahay namin, tahimik akong bumaba, inabot ko na din sa kanya yung helmet niya "Bye, ingat" sabi ko at nginitian siya pero di ko siya tinignan, bago pa ako makatalikod at makahakahakbang paalis ay nahawakan na niya ang kamay ko.

"Galit ka?" tanong niya pero nakatungo pa din ako, bago umiling hinawakan niya naman ang baba ko para maiangat ang mukha ko patingin sa kanya "Galit ka?" ulit niya sa tanong niya pero umiling pa din ako.

Kita ko naman na huminga siya ng malalim, bumaba siya ng motor niya bago lumapit sakin, akala ko kung ano ang gagawin niya pero niyakap niya lang ako.

I feel safe and okay

"Sorry, ano man ang nagawa ko para magalit ka, sorry kung hindi ko na alam ang nagawa ko, sorry kung ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, sorry Elle, please? Talk to me, hindi ako sanay na ganyan ka, your smile didn't reach your eyes"

Hindi ko alam pero that moment I just feel my heart beat became faster than normal, I always feel safe when Harry is around, is that normal? I hug him too

"I'm good" sabi ko kumalas naman siya sa yakap, he held both of my shoulder "Make me believe" sabi niya, masyado na siguro akong kilala nito, kahit ako sa sarili ko hindi ko na din alam.

"Hindi ako galit sayo, ahm, kanina, naisip ko lang, ayokong mag-away kayo ni Kenchie dahil lang sakin, parang nainis ka kasi sa kanya kanina, magkaibigan kayo, kaya ayaw kong masira yun ng dahil lang doon" sabi ko, he pat my head then pinch my nose.

"Your so cute" sabi niya at nginitian pa ako, ako ba pinagtitripan nito?! "Ewan ko sayo Zacharry Viel" sabi ko dahil lalo lang nagwala yung puso ko, hindi ko na talaga alam, baka kailangan ko na ng check up.

"Nga pala, birthday ni Ash, sumama ka daw, August 15 yun" sabi ko dahil nakalimutan kong sabihin sa kanya, kinuha ko naman sa bag ko yung invitation at binigay sa kanya. "Oo nga noh? Yun pala yung sinasabi ni Mark sakin" sabi niya

"Una na ako? Ingat ka sa daan" sabi ko tumango naman siya, nginitian ko siya "Sige, ingat din bye" sabi niya kumaway na ako, hinintay ko muna siya na umalis bago ako pumasok sa bahay, takbo ang ginawa ko papunta sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako doon, my heart is not normal! Nagbihis na muna ako bago pagkatapos ay umupo na agad ako sa study area ko at binuksan ang laptop ko, then I just found myself searching something in the internet.

Reasons why your heart is beating faster than normal?

Puro naman about sa sakit ang lumabas, wala naman ako ng lahat ng yun. Kailangan ko na ba talagang mag pa check up? Baka naman maresultahan pa ako ng may sakit sa puso?!

Wanting Someone Special (Dare Series Two)Where stories live. Discover now