Wanting Five

39 32 0
                                    

WANTING FIVE

DAYS PASSED and weeks passed, mas naging busy ako sa mga gawain ko sa school, at ganun din si Harry since patapos na daw ang First Semester nila ganun din kami, nahahatid at sundo pa din niya ako araw-araw late nga lang minsan pag uwian na pero sinasabihan naman niya ako.

"Late na naman best friend mo noh?" napalingon ako sa nagsalita, tumabi naman siya ng upo sakin sa may waiting shed, hinihintay ko si Harry ngayon dahil sabi niya susunduin niya daw ako.

"Baka may ginawa lang yun" sabi ko at tumingin sa orasan ko, almost thirty minutes na akong naghihintay sa kanya, sabi niya malalate lang daw siya ng kaunti.

"Ilang minuto ka na kayang naghihintay? Kanina pa kita nakikita dyan" sabi ni Kenchie

Naging kaibigan ko na din siya, lagi na kasi kaming sabay mag lunch nila Finley. "Okay lang, sanay na ako" sabi ko at pinipigilan na pumatak ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ngayon.

"Oh, baka isipin ng iba pinaiyak kita" sabi ni Kenchie at inabutan ako ng panyo, tinanggap ko yun at pinunasan ko ang mata ko, halata pala. "Ano ba ang sabi sayo? Susunduin ka?" tanong niya tumango naman ako.

"Oo, sabi niya malate lang daw siya ng saglit, pero thirty minutes na ang nakalipas wala pa din" sabi ko tinapik naman niya ang balikat ko "Ako na lang ang maghatid sayo? Gusto mo? Wag kang mag-alala di kita papabayaan" sabi niya at tumayo nagdadalawang isip pa ako pero pumayag na lang ako.

"Okay ka na?" tanong niya tumango naman ako, "Oo naman, sasabihan ko na lang si Harry na mauuna na ako, baka kasi busy yun" sabi ko at tinext na lang si Harry na mauuna na akong umuwi.

"Tara na? Nandyan lang yung driver ko" sabi ni Kenchie kaya tumango ako. Ginaya niya ako papunta sa may kotse nilang nakapark.

Gaya ng sabi niya, hinatid niya ako pero sa may tapat na lang ako ng village nagpababa.

"Sigurado ka? Di ka na magpapahatid sa tapat ninyo?" tanong ni Kenchie ng makababa ako, umiling lang ako "Hindi na, salamat nga pala"sabi ko tumango naman siya.

Kumaway na ako sa kanya ganun din siya, pumasok na ako sa loob ng village, pinakita ko muna sa may guard ang resident id ko at ang student id ko bago ako pinapasok.

Naglakad na lang ako papunta sa bahay, nagmuni-muni na lang ako, siguro busy na si Harry kaya ganun. Magsasabi naman yun sakin kinabukasan. Nadaanan ko naman ang clubhouse at may mga bata doon.

Nag decide na muna ako na umupo na muna sa may siso na nandun, wala akong gana umuwi, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. I miss my sister, naalala ko na naman siya, kami ni Xay ang lockscreen ko nung bata kami, last photo together.

Nang matype ko na ang passcode ko, picture naman namin ni Harry ang bumungad sakin, favorite photo namin yun, nung vacation. Nang marealize ko na medyo dumidilim na ay napatingin ako sa orasan ng cellphone ko.

6:15 pm na pala, hays tumayo na ako at nagsimula na ulit na maglakad, madilim na ng matanaw ko ang bahay namin, at may nakita naman ako na nakatayo sa tapat niyon, sa motor pa lang na nakaparada sa harap alam ko na kung sino yun

"Harry" tawag ko ng makalapit ako nilingon naman niya agad ako "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya, halatang galing pa siya sa school dahil naka uniform pa din siya.

"Sorry kung di kita nasundo" sabi niya tumango lang ako, alam ko naman kung bakit. "Okay lang, alam ko naman kung bakit" sabi ko niyakap naman niya at siniksik yung ulo niya sa leeg ko.

"Sorry talaga" sabi niya tinapik ko naman ang balikat niya, "Okay lang ano ka ba" sabi ko kumalas naman siya at piangbuksan ako ng gate ng bahay namin, pumasok na ako.

Wanting Someone Special (Dare Series Two)Where stories live. Discover now