Eight

71.9K 662 4
                                    

Nagulat si Ram nang pagbaba niya ng hagdanan ay nadatnan niyang nagbabasa ng diyaryo ang Kuya JM niya. Kailan pa ito umuwi ng San Gabriel?

"What are you doing here?" aniya.

"Bakit ganyan ka makatanong? Bawal na ba akong umuwi?" anito.

"Di ba ikaw naman ang ayaw na umuwi dito?" ang balik tanong niya dito.

Nilampasan niya ito, dumeretso siya ng komedor para mag-agahan sana ngunit naroon pa ang Papa niya at kumakain kaya tuluyang nagbago ang isip niya. Ayaw niya itong makasabay. Siguradong magtatalo lang naman sila. Uminom nalang siya ng malamig na tubig at saka muling lumabas.

"So, kamusta naman ang buhay dito sa San Gabriel? Dinig ko'y naghahasik ka na naman ng lagim ah," ang wika ng Kuya JM niya pagkalabas niya ng sala. Naroon pa rin ang mga mata nito sa binabasang diyaryo.

"Lagim na ba ang tawag mo doon? Ni hindi pa nga ako nagsisimula, eh," ang sarkastiko niyang wika.

Nagtaas ng mukha si JM kaya nagpang-abot ang kanilang mga paningin.

"So, you mean to say, may balak ka ulit na ilagay sa diyaryo ang sarili mo? Next time, make sure to make it to the national paper," anito.

Hinablot niya ang hawak nitong newspaper. It's the school publication kung saan ito ang editor-in-chief.

Two Seniors from the High School Department Expelled from Vandalizing their Teacher's Car, he read. Hindi na niya binasa ang kabuuan ng balita, alam na naman niya ang kabuuan ng kwento.

They were studying at the same school. JM was on his fourth year on Political Science while he was a senior on the high school department of the same university. That was before he was expelled from that school. Nahuli kasi silang ini-spray-han ng graffiti ang kotse ng isa nilang guro matapos itong tumangging ipa-take siya ng exam. Nagkasakit kasi siya noong araw na nag-exam sila kaya 'di siya naka-attend. Eh, ayaw maniwala noong guro. Ayaw siyang bigyan ng special exam. Nag-a-alibi lang daw siya. Hinahanapan siya ng medical certificate, eh, wala siyang maipakita. Kaya ayon, sa sobrang inis niya ay inaya niya ang isang kaklaseng galit din doon sa nasabing guro. They sprayed graffiti on the teacher's car. Malas nga lang at nahuli sila noong CCTV ng school. They were expelled.

Pwede namang mabago 'yong isip noong director noong high school department ng university kung saan sila nag-aaral ng Kuya JM niya. Iyon ay kung gugustuhin lang ng Papa niya. Maaari nitong kausapin ang naturang director na bigyan siya ng chance. They're friends. As in really close. They're college buddies. Dorm mates.

Eh, ayaw ng Papa niya. Mas pinili nitong iuwi siya ng San Gabriel para doon na ipagpatuloy ang senior year niya sa high school. He's teaching him a lesson daw.

Stupid. Really stupid.


"Gusto mo naman palang sumikat, ba't 'di ka nalang mag-artista?" narinig niyang muling wika ng Kuya JM niya.

Ibinalik niya dito ang newspaper.

"Di ko kailangang mag-artista para sumikat," aniya bago muling umakyat ng kwarto. Sa school canteen nalang siya kakain. The food there tasted like crap pero mas gugustuhin nalang niyang mag-biscuit at soda doon kaysa makasabay sa pag-aagahan ang Papa niya.

Walang klase nang dumating siya ng school. Lahat busy para sa darating na Foundatio Week. Praktis dito, praktis doon. It was actually funny how everybody gave such a big fuss over some silly event.

Dala ang kanyang cell phone ay nagpunta siya sa multi-purpose hall ng paaralan at saka pumuwesto sa isa sa mga bleachers. Doon na muna siya tatambay. Makikinig na lang siya ng music mula sa kanyang phone at iti-text ang mga friends niya sa Manila. Ayaw pa niyang umuwi ng bahay at makita ang kapatid. Baka ma-badtrip lang din siya.

Lihim siyang napamura nang walang magreply sa mga tinext niya. Busy pa siguro ang mga ungas. Baka may klase pa.

Napako ang kanyang paningin sa mga naroon sa may stage. Mukhang nagpa-praktis ang mga ito. Walang anu-ano'y nakilala niya ang tatlo sa mga ito. Kaklase niya iyong dalawa, iyong pambato nila para sa Mr.& Ms. SGNHS. Iyong isa nama'y si Miss Kissable Lips. Si Hana.

At tuluyan na siyang nawalan ng interes sa pagti-text o sa music na pinakikinggan niya mula sa suot na headset. Naroon na kay Hana ang buo niyang atensiyon. He watched as she strut accros the floor. She looked pretty even from afar.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon