Lumabas si Hana ng silid. It's almost three in the morning when she woke up and discovered that Ram wasn't there beside her. She went out of the room to look for him.
Medyo magulo pa ang buong mansiyon, tanda nang kasiyahang naganap kagabi. Or should she say "kanina". Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nakatulog siya ng maaga. A doctor came to check on her, gave her meds and then ordered her to take a rest. At iyon nga, nagising siya bandang alas tres ng umaga at nadiskubri niyang wala si Ram sa tabi niya. Bigla siyang nag-worry kaya't ipinagpasya niyang hanapin ito.
Tama ang kanyang hinala, nasa may lumang bakal na swing si Ram, umiinom itong mag-isa. Lumapit siya dito.
"Umiinom ka?" aniya nang makumpirmang bote nga ng beer ang hawak-hawak nito. Nagkalat din sa paligid ang tatlo pang wala ng lamang bote.
"Bakit gising ka pa?" anito bago bumuga mula sa hawak nitong sigarilyo.
Kusa na siyang sumampa sa swing. She occupied the opposing bench.
"Kanina pa ako tulog, kakagising ko lang. Wala ka kasi kaya nag-worry ako," aniya.
She watched him puffed his cigarette.
"You should go back to sleep now. Maaga pa tayo bukas," anito pagkatapos.
Their original plan is to wait for two or three days bago silang bumalik ng Maynila. Pero sa nangyari ay ini-expect na niyang ganito ang mangyayari.
"Kung ganoon, eh, kailangan mo na ding matulog. Ikaw ang magda-drive, 'di ba? So dapat makapagpahinga ka rin," aniya dito.
"Susunod na ako," anito bago tinungga ang hawak na maliit na bote ng beer.
Hindi siya kumilos. Ayaw niyang bumalik sa kuwarto nang 'di ito kasama. Kailangan din nitong makapagpahinga.
"Do you feel better now?" anito.
"Oo, sa awa ng Diyos, okay na naman pakiramdam ko," aniya bago may kung anong hinugot mula sa kayang bulsa. Iniabot niya ito dito.
Tinanggap naman nito iyon at saka tinitigan na para bang ngayon lang ito nakakita ng ganoon.
"What's this?"
"Pregnancy test kit," aniya.
"And?" Nagtaas ito ng tingin. He looked anticipating. Worried, even.
"One line. Negative."
Nakahinga ito ng maluwag bago muling tumungga sa hawak na bote.
Kinuha niya ang PT kit mula sa kamay nito. Ibinalik niya iyon sa kanyang bulsa.
"Sabi ko naman sa inyo kagabi, 'di ba? Hindi nga ako buntis. Medyo madami lang talaga ako nakain kahapon, sari-sari. Kung anu-ano kasing ipinakain sa'kin ni Nanay kahapon sa tindahan. Idagdag pang kung anu-ano lang din ang tinikman ko kahapon sa handaan. Saka stressed lang din siguro ako, sabi noong doktor. 'Di ako nakapagpahinga mula sa biyahe kahapon, 'di ba? Idagdag pang.. alam mo na.. iyong nangyari kagabi. Kaya ayun," she explained.
BINABASA MO ANG
Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!)
RomanceSi Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang siya nitong inayang magpakasal. She said yes because of two reasons. Una, para sa kaligtasan ng tatay...