Fourteen

66.9K 619 3
                                    

"Hindi ka ba bababa ng sasakyan?"

Nilingon ni Ram ang Mama niya.

"Dito na lang po ako," aniya. He was about to plug the headphones on his ears when she heard her talk again.

"And that's how you show support to your father? By hiding your ass inside this car? Look at your brother. He had been showing his full support to your father's candidacy since day 1 of campaign period. Ikaw, ngayon ka na nga lang dumating, magtatago ka pa dito sa sasakyan?"

"Politics is not my thing, Ma, and you know that."

"Well, you have no choice. Politics run in your blood! Isa kang dela Francia kaya wala kang choice. Now, get out of this stupid car and smile!" Pagkawika'y pinagsarhan siya ng Mama niya ng pintuan. He then watch her approach the crowd.

He could feel the tightening of his jaws. He was so pissed off! He hated campaign period ever since. Ayaw na ayaw niya dati kapag pinapauwi sila dito sa San Gabriel para tumulong sa pangangampanya. Everything was disgusting! The fake smiles and everything... it annoyed him to the bones!

Ba't 'di nalang si JM ang gamitin nila? Tutal, eh, magkapareho naman ang likaw ng bituka ng mga ito. Bakit kailangang pati siya idadamay?

Wala siyang nagawa kundi ang bumaba ng van. But, no. He won't fake a smile. Hinding-hindi siya makikipagplastikan. No way!

Naroon sila sa karatig na bayan. Tumatakbo kasing gobernor ng lalawigan nila ang kanyang Papa. Talagang 'di na nakuntento.

And guess who's running for mayor at San Gabriel? Ang Mama lang naman niya.

Naiiling siya. Ba't ganito ang pamilyang kinabibilangan niya? Napakagahaman sa posisyon. Hindi na siya magtataka kung bukas-makalawa ay pati si JM ay kakandidato na din.

He slowly approached the crowd. Tuwang-tuwa ang lahat sa dance number ni JM. Naroon kasi ito sa gitna ng stage, nagsasayaw ng swing kasama ng reigning Bb. San Gabriel sa tugtog na "Can't Take My Eyes Off You."

Hindi ito magaling na dancer. He looked stupid, actually. Buti nalang at magaling ang kapareha nito.

Then he saw the woman's face. Napatda siya, she looked familiar. Mas kinlaro pa niya ito, which is hard to do, kasi nga sumasayaw ito.

Tama ba ang nakikita niya? Si Hana nga ba ito?

It has been six years pero hindi siya pwedeng magkamali. It must be her!

He made his way to the stage. Umakyat siya sa hagdanan sa may gilid. At pagkatapos ay pasimple siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng Mama niya.

"Buti nama't natauhan ka," ang pasimple nitong wika habang pumapalakpak.

Nakipalakpak na din siya, nang hindi inaalis ang mga mata kay Hana. Tapos na ang kanta. They were now taking their vow, nang magkahawak-kamay.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon