Twenty Three

64.3K 546 8
                                    

Mabilis ang mga pangyayari. Nang mga sumunod na araw ay naging abala na si Hana para sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal. Mukhang minamadali ni Madam Aurora ang lahat. Natatakot marahil ito na magbago ang isip niya.

Hindi din nag-aksaya ang ginang. Agad din nitong naihanap ng sponsors ang tatay niya. Kaya't habang abala siya sa paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Ram, pinaghahandaan naman ng kanyang mga magulang ang napipintong operasyon ng kanyang tatay.

Hindi rin natupad ang gusto ni Ram na simpleng kasalan. Nag-insist si Madam Aurora na gawing magarbo ang selebrasyon. Pumalag siya pero wala din siyang nagawa.

At dahil naging sobrang busy sila sa nakalipas na dalawang linggo ay doon na halos siya nakatira sa bahay ng mga ito. Para na rin daw mapadali ang lahat, ayon na rin kay Madam Aurora. Para daw kapag kakailanganin siya, nandodoon na agad siya.

Naroon siya sa isa sa mga guests room ng mga ito. Nakakapanibago nga. Para siyang nagbuhay-prinsesa bigla. Buti nalang at wala si JM, bumalik ito ng Maynila bago pa man siya lumipat sa malaking bahay. Ayaw din kasi niya itong makita. Nakokonsensiya siya.

Pero kahit nasa bahay ng mga dela Francia na siya halos nakatira, hindi naman sila nagkikita ni Ram. Isang linggo na din kasi mula nang umuwi din ito ng Maynila. May aasikasuhin lang daw.

Ang nakakainis lang, ni tawag ni text ay wala siyang natanggap mula dito simula noong umalis ito. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan na baka tuluyan nang nagbago ang isip nito't bigla nitong na-realize na isang malaking kahibangan ang pagpapakasal nito sa kanya.

Iyon ang dahilan kung bakit nalulungkot siya. Sa bawat araw na nagdaan na wala man lang siyang ni isang salitang nakukuha mula dito, mas nagiging paranoid siya. Ang daming naglalaro sa kanyang isipan. Pano kung nagkita ito at ang isa sa mga naging ex nito sa Maynila at nagkabalikan? O kaya'y na-realize nitong hindi sapat na galit ito kay JM para magpakasal sa kanya? O 'di naman kaya'y wala naman talaga itong balak na pakasalan siya. Na ginawa langg nito ang lahat para saktan si JM pero wala naman talaga itong planong ituloy ang kasal.

Ahhhhh! Nakakapraning. Ayaw na niyang mag-isip!

Nasa ganoong sitwasyon siya nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad siyang kinabahan nang makitang si Ram ang nasa kabilang linya. Napa-sign of the cross siya ng wala sa oras bago dinampot ang cell phone.

"Ram."

"Still awake?"

"Malamang. Eh, kausap mo kaya ako." Pilit niyang huwag ipahalata ang excitement sa boses niya.

"Pilosopo. Kamusta diyan? What's new?"

"Eto, wala pa ding pagbabago. Malaki pa din bahay niyo. Maganda pa din nanay mo. At malamig pa din ang aircon dito sa guest room niyo."

"Wala ka talagang kuwentang kausap."

Aba, napikon yata. "At ikaw pa talaga ang may ganang magalit, ha? Eh, ikaw kaya 'tong hindi nagpaparamdam, 'di ba? Hindi mo na ba ma-afford magpa-load, ha, at 'di mo 'ko ma-text ni isang beses? Tapos ngayon, magagalit ka at pinopilosop kita. Anong ini-expect mo? Na matuwa ako?"

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon