Ten

72.1K 666 13
                                    

Shit! lihim na napamura si Ram. Sa kakasilip niya kina Andrei at Hana ay hindi niya namalayang matutumba na pala ang silyang kinauupuan niya. Nasa likurang bahagi kasi siya ng classroom at natatabunan siya ng mga nagsisitayuang officers kaya kung 'di siya sisilip, 'di niya makikita kung ano na ang nangyayari sa dalawa. Kaya ayon, sa sahig ang bagsak niya.

Nagtawanan ang lahat, lalo na iyong mga kaklase niya. Noon kumaripas ng takbo si Hana palabas ng silid. At bago pa niya napigil ang sarili ay nakasunod na siya dito.

He was running after her. At noong abutan niya ito ay agad niyang ginagap ang isa nitong kamay nang hindi siya tumitigil sa pagtakbo. He began dragging her along. He didn't know where to go. Basta ang alam lang niya, he had to bring her somewhere. Somewhere where they can be alone.

Natagpuan na lamang niya ang mga sarili nilang nasa likurang bahagi na ng paaralan. Noon lang niya napagtantong mapuno pala sa bahaging iyon. Hindi pa kasi siya nakarating doon ni minsan.

"Malawak pa pala dito," he said, more to himself. Medyo habol pa niya ang paghinga dahil sa ginawang pagtakbo.

"Hindi mo alam?"

Napalingon siya kay Hana. It was only then that he realized that he was still holding her hand. Agad niya itong binitawan.

Naroon ang pagtataka sa mukha nito. Hindi niya alam kung alin ang mas ipinagtataka nito, ang malamang hindi niya alam na madaming puno sa likuran ng paaralan? O ang ginawa niyang biglang paghatak dito papunta doon.

"Ngayon ka lang nakapunta sa parteng ito? Alam mo bang parte pa 'to ng mga lupain niyo?" ang muli nitong tanong.

Nagkibit-balikat siya.

"I didn't know. And I don't care."

"Ganyan ba talaga 'pag lumaki kang nakukuha mo lahat ng gusto mo? Hindi mo naa-appreciate kung anong meron ka?"

Muli siyang napabaling dito. Round, beautiful eyes stared back at him.

"Ba't ba ang dami mong napapansin ha?" aniya dito.

"Bakit? Totoo naman, 'di ba?" She pouted. She actually looked cute.

"Ewan ko," aniya sabay bawi ng tingin mula dito. Ipinako niya ang mga mata sa kawalan.

May nakita siyang nakausling ugat mula sa isa sa mga nagtatayugang mga punong-kahoy. Lumapit siya dito at saka umupo doon.

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" anito. "At bakit mo ako sinundan?"

Bakit nga ba? he asked himself.

"At bakit ka nandudoon, 'di ka naman officer?" ang muli nitong tanong. She was still standing on the spot where he left her.

"We are all required to help out on the school activities," he explained. "Requirement ni Ms. Dimalang." He was referring to his class adviser na siya ring adviser ng Student Council.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon