Thirty Nine

60.5K 515 9
                                    

"Pwede mo naman akong tulungang mag-explain kay Gem, 'di ba? Nahihiya kasi talaga ako sa kanya. Sa kanila ni Gio. Baka isipin nilang isa akong malaking sinungaling, which is true naman. Deserve ko 'yon. Nagsinungaling nga kasi ako, 'di ba? Nangsinungaling ako sa inyong lahat," ani Hana kay Chloe. Naroon sila sa paborito nilang tambayan, naghihintay ng susunod nilang klase.

Wala si Gem. Kahapon pa ito absent. Nagwo-worry na tuloy siya. Malamang na iniiwasan siya nito. Ayaw siguro siya nitong makita, which was understandable. Niluko nga kasi niya ito, 'di ba? Hindi lang ito, pati si Gio. Nagi-guilty talaga siya.

"Grabe, Ate Hana, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako lubos na makapaniwala diyan sa sitwasyon mo. Parang teleserye lang, ang complicated. Nangyayari pala talaga ang mga ganyang bagay sa tunay na buhay, ano?" ani Chloe.

"Oo nga, eh. Masyado ngang complicated. Kaya nga nahihirapan akong magsabi sa inyo ni Gem. Kaya nga 'di ako nagkukwento. Hindi ko rin naman kasi inaasahang aabot sa ganito," ang nalulungkot niyang wika.

"Pero, grabe, ha? Nagpakasal ka sa isang lalaking alam mong hindi ka naman mahal. Ikaw na martir."

Isang mapaklang tawa ang isinagot niya. Masakit marinig ang katutuhanan. Ganoon pa man, umaasa pa din siyang balang-araw ay matututunan din siyang mahalin ni Ram. Umaasa pa din siyang may patutunguhan din ang relasyon nilang ito. Sapat na ang pagbabago sa pakikitungong ipinapakita sa kanya ni Ram lately para muli siyang mabuhayan ng loob. Ipinagdadasal nga niyang sana'y magtuloy-tuloy na ang magandang nangyayari sa kanila.

"Ngayon ko lang din na-realize, napapansin ko nga 'yong si... ano nga ulit 'yong name noong asawa niyo?"

"Ram."

"Oo. Napapansin ko nga 'yong si Ram kapagka napapadaan siya sa harapan natin. Kasi lagi mo siyang sinusundan ng tingin. Akala ko, eh, crush mo lang siya, 'yon pala'y asawa mo pala talaga siya. Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang mag-asawa kayo, kasi ni hindi ka nga tinatapunan ng tingin, 'di ba? Parang 'di ka man lang kilala. Hay, grabe talaga. Ang saklap naman ng lovelife mo, Ate Hana. Pero in fairness, ha? Guapo si hubby. Hindi kita ma-blame."

Ngumiti lang siya.

"Pero swerte din naman siya sa'yo, kung tutuusin. Ang ganda mo kaya, ang tangkad mo pa, pwedeng-pwede ka sa mga beauty pageants. "

Muli ay ngumiti siya. Hindi naman kasi niya kinukwento dito ang tungkol sa pagiging beauty titlist niya sa probinsiya. Nahihiya siya.

"Sige, Ate Hana, 'wag kang mag-alala, ako nang bahala kay Gem. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanya. Papakiusapan ko rin siyang  magpaliwanag sa kuya niya. Maiintindihan ka naman siguro ng mga 'yon," anito.

"Sana nga," aniya sabay buntong-hininga.

Noon nag-beep ang kanyang cell phone. Si Ram. Na-excite siyang bigla.

Wat tym r u going home? 

Dpende. Y? she typed back.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon