Nine

71.3K 672 8
                                    

"May surprise ako sa'yo!" ang bulong ni Ava kay Hana. Nakabalandra sa mukha nito ang isang makahulugang ngiti. Nakakaduda.

"Ha? Ano?" aniya dito.

"Basta. Magugustuhan mo, pramis," anito. May pakindat-kindat pa itong nalalaman. Bigla tuloy siyang kinabahan.

"Ano nga?" aniya.

"Back from the top, Hana! 'Tsaka lambotan mo pa 'yang katawan mo. Giling kung giling!" ang sigaw ng baklang ni-hire ng class adviser niya para turuan siya ng isang interpretative dance para sa talent portion. Wala siyang nagawa kundi ituloy ang praktis kahit madami pa siyang gustong itanong kay Ava.

Officialy ay nagsimula na ang Foundation Week nila. Medyo nakakainggit nga. Ang daming activities pero heto siya't nakakulong sa classroom. Malapit na kasi ang pageant kaya todo ang paghahanda nila. Gaganapin kasi iyon sa huling araw ng Foundation Week.

"Ipagpatuloy mo lang, Hana. Punta lang akong CR," ang wika noong baklang trainor bago ito lumabas ng classroom. Ipinagpatulog naman niya iyong sayaw.

Nasa kalagitnaan siya ng sayaw nang may dalawang Student Council officers ang biglang dumating upang hulihin siya. Pumalag siya, siyempre.

"Uy, teka lang, nagpa-praktis pa ako," aniya sa mga ito.

"Wag kang mag-alala, mabilis lang 'to," ang wika noong isa sa mga officers.

"Hindi nga pwede. Magagalit iyong trainor ko," aniya. "Malalagot talaga ako pagbalik noon. Hindi ako pwedeng umalis."

"Sumama ka na, Hana. 'Di ka magsisi. Pramis. 'Tsaka ako nang bahala doon kay Bunny," ang sabat ni Ava. Naroon pa rin ang makahulugang ngiti sa mga labi nito.

"Naku, Ava, ikaw ang may pakana nito, ano? Ano bang kalukuhan 'to? Lagot ka talaga sa'kin pagbalik ko," aniya habang pinipiringan siya noong dalawang officers.

Tumawa lang ito.

Matapos siyang piringan ng mga ito ay iginiya na siyang papunta sa kung saan.

"Saan niyo ba talaga ako dadalhin?" ang walang tigil niyang tanong sa mga ito. Wala naman siyang makuhang matinong sagot. Puro "basta" at "maghintay ka lang" ang nakukuha niyang sagot sa mga ito.

Lagot ka talaga sa'kin mamaya, Ava, saisip niya. Parang nararamdaman niya kasing ito ang may pakana ng lahat ng ito. Kinakabahan tuloy siya.

Nang tumigil sila sa paglalakad ay lalo sumidhi ang kaba niya. Kumakabog ang dibdib niya sa magkahalong kaba at excitement. Lalo pa itong sumidhi nang tanggalin na ang piring niya sa mata.

Si Andrei! Ito ang kauna-unahang taong nakita niya pagkatanggal ng kanyang piring. Anong ginagawa ni Andrei dito?

Pakiwari niya ay dumoble bigla ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang guapo talaga nito. Lalo na sa malapitan. Kahit na madalas silang nagkakasama sa praktis, hindi pa siya nakalapit dito ng ganito. Grabe, parang gusto niyang himatayin sa sobrang kaba at kilig, lalo na noong ngumiti ito sa kanya.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon