Two

94.8K 839 3
                                    

"But, Ma, I don't wanna transfer here. I'm happy with my old school. This place sucks! " ani Ram, 'di alintana kung kaharap man nila ang principal ng paaralang paglilipatan sa kanya dito sa San Gabriel. Nagrerebelde pa kasi talaga ang kanyang kalooban dahil sa naging desisyon ng kanyang mga magulang na ilipat siya dito.

"Watch your mouth, Ramon! 'Wag kang bastos. Lalo mo lang pinatutunayan na nararapat ka talagang ilipat dito sa San Gabriel. Look at yourself. Hindi naging maganda ang impluwensiya sa'yo ng Maynila!" ang saway ng kanyang Mama.

He let out one disgusted sigh. This couldn't be happening. He's not finishing his high school in this old and ugly school.

"I am so sorry, Mr. Santos," ang baling ng kanyang Mama doon sa principal. "Alam mo naman ang mga bata sa panahon ngayon. Nagrerebelde kung minsan."

"That's okay, Madam. I perfectly understand. Normal lang talaga sa mga teenager ang mag-rebelde kung minsan. It has something to do with the hormones. Lilipas din 'yan," ang malumanay na sagot ng School Principal. Pero bakit parang duda siya sa kabaitan nito?

Naiinis na ibinaling ni Ram ang kamyang paningin sa labas ng bintana ng Principal's office and all he could see were old two-storey buildings that were made of wood. Old, rotten wood. Grabe, wala man lang ipinagbago ang paaralan ni konti. No improvement. Not even one.

Minsan na siyang nakapunta dito may ilang taon na ang nakakaraan at sa pagkakatanda niya ay ganito na ang hitsura ng paaralang ito dati pa. Old, ugly and poor. Malayung-malayo sa dati niyang pinapasukan sa Maynila.

"Ma, do you really have to do this?" ani Ram noong palabas na sila ng Principal's Office. He was still hoping na somehow, eh, magbago ang isip ng mama niya. He was dying to go back to Manila. He was dying to go back to his old school.

"Oo. Para magtino ka. This is your last chance, Ram, I'm telling you. Subukan mo pang gumawa ng kalukuhan at patatawarin ng Diyos ang ama mo sakaling may magawa siyang hindi maganda sa iyo. You are a disgrace to our family!" ang mahina ngunit punong-puno ng emosyong sagot ng kanyang Mama.

Naiwan siyang nakatulala habang pinapanood ang pagbalik ng kanyang Mama sa kotse nila. He couldn't believe she just said that. Nag-init bigla ang magkabila niyang pisngi. Parang bigla-bigla, eh, gusto niyang umiyak.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Inaantay ka na ng mga bago mong kaklase," narinig niyang wika noong School Principal bago ito nagpatiunang maglakad.

Holy crap! And the man's showing his true color this soon? And to think na ang bait-bait nito kanina noong kaharap pa nila ang Mama niya. Lalo tuloy siyang nabwisit.

Kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa kundi sundan ito. But he made a promise to himself. Hindi siya magtatagal sa bulok na paaralang ito. Ibabalik at ibabalik siya ng mga magulang sa Maynila. Iyan ang sinisigurado niya.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon