"Kamusta naman ang bago mong school? Dinig ko'y wala ka pang dalawang linggo ay napasabak ka na sa gulo, ah. Wala ka na bang planong magtino, ha, Ram?"
So nakapagsumbong na pala ang kanyang Mama, naisip ni Ram. Naroon siya sa hapag-kainan. Nag-aagahan kasama ang kanyang Papa.
This is actually a miracle. Ang makasabay sa pagkain ang isa sa kanyang mga magulang ay isang milagro. Why, they are too busy. They are always busy.
"Kailan ka ba magiging responsable, ha, Ramon? My god! Ang laki talaga ng kaibahan ninyo ng kuya mo. Tulog ka siguro noong magsabog ang Panginoon ng pagiging responsable. Aba'y wala kang ni katiting na nadampot, ah. Sinalong lahat ng Kuya JM mo."
Ipinako ni Ram ang kanyang mga mata sa pagkaing nasa kanyang plato. Pagkaing wala na siyang ganang ubusin. Nakakawalang gana naman kasi. Ke aga-aga, sermon ang inabot niya.
Well, ganoon naman talaga ang mga ito kahit noong nasa Maynila pa siya. Miminsan na nga lang maisipang tumawag, puro sermon pa ang maririnig niya. Kaya nga minsan ay 'di na niya sinasagot ang tawag ng mga ito. Maba-badtrip lang din naman siya.
Puro nalang JM, JM, JM! Wala nang ibang nakikita ang mga magulang niya kundi ang Kuya JM niya. Kesyo mas mabait ito, matalino, maabilidad, responsable at kung anu-ano pa. Nakakasawa na. Nakakasuka.
"Wala kanang ibang ginawa kundi sirain ang pangalan ko. Sinisira mo ang apelyido natin. Ano na lang ang sasabihin ng mga mamamayan ng San Gabriel? Dadalawa nga lang anak ko, 'di ko pa mapatino 'yong isa."
Hindi na nakatiis si Ram. Nagtaas siya ng tingin upang salubungin ang mga titig ng ama.
"Pinuproblema niyo ang pagtino ng isa sa dalawa ninyong anak pero wala kayong ginagawa para maayos ang kaisa-isang high school dito sa San Gabriel? The whole school is shit! Sira-sira ang classroom, walang matinong gamit, ni walang tubig. Palpak na nga kayo bilang ama, 'di pa kayo ganoon ka-epektibong mayor. So, tell me? Ano pong ipinagmamagaling niyo?"
"Wala ka talagang galang, bata ka!" Nanlilisik ang mga mata ng kanyang ama. Namumula din ang mukha nito sa sobrang galit. Parang kulang na lang ay upakan siya nito sa mukha.
"Anong nangyari?" ang tumatakbong wika ng kanyang Mama.
Umagang-umaga ay nakagayak na ito. Mukhang may pupuntahan na namang social function sa kung saan mang kalapit na lalawigan. Doon naman ito magaling. Ang makipagsosyalan at ang bumiyahe.
What a pair! naisip niya. Ang swerte-swerte niya talaga sa mga naging magulang niya.
"Excuse me. Nawalan na po ako ng ganang kumain," aniya bago tuluyang nilisan ang hapag-kainan.
BINABASA MO ANG
Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!)
Roman d'amourSi Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang siya nitong inayang magpakasal. She said yes because of two reasons. Una, para sa kaligtasan ng tatay...