"Ikaw na, Hana. Ikaw na ikaw na. Na sa'yo na talaga ang korona, " ani Ava.
"Anong gagawin ko?" aniya dito.
"Anong gagawin mo? Eh, 'di magbunyi! Akalain mo 'yon, pinag-aagawan ka ng dalawang dela Francia? Pakiligpit mo nga 'yang buhok mo at baka mapatid ako."
"Puro ka naman biro, eh."
"Alam mo, friend, kung ako lang ang masusunod, aakitin ko na nang tuluyan 'yang si Ram para no choice ka na, kay JM kana lang talaga. Tapos ang problema. Kaso alam mo namang 'di uubra 'tong charm ko sa mokong na 'yon kahit na dati pa, eh. Wala tayong magagawa. Ayaw niya sa mga super gandang tulad ko. Mas feel niya 'yong mga so-so lang na tulad mo. Kaya sori, 'di kita matutulungan d'yan sa problema mo."
"Ang haba-haba ng sinabi mo, wala naman pala akong mahihita."
"Sino ba kasi ang gusto mo sa dalawa?"
"Si JM," aniya.
"Oh, 'yon naman pala."
"Gusto ko si JM kasi guapo na, responsable pa. Gentleman, sweet, mabait, matulungin, matalino. Ewan ko. Lahat na yata nasa kanya na."
"Korak."
"Pero parang 'di naman kami bagay. Parang 'di kami magka-level. Parang 'di ko siya ma-reach."
"Parang cell phone number lang? Out of reach?"
"Si Ram naman walang ka-gentleman-gentleman, iresponsable, hambog, nakakainis---"
"At magaling humalik!"
"Nakakainis ka naman, eh."
"Eh, kasi kumukutitap 'yong mga mata mo kanina habang kinukuwento mo 'yong tungkol sa paghalik niya sa'yo. Parang abot hanggang split ends niyang buhok mo ang nararamdaman mong kilig sa katawan. 'Di ka naman siguro kikiligin ng ganoon kung 'di magaling humalik 'yong tao 'di ba?"
Bakit nga ba ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya? Bakit pakiwari niya ay may kakayahan itong padoblehin ang pintig ng kanyang puso ng walang kahirap-hirap gayong wala naman itong ibang alam gawin kundi ang inisin siya? Ibig bang sabihin, eh, may gusto pa siya dito. Yes, she liked him when they were in high school. Pero later na niya iyon na-realize. Noong grumadweyt na ito't sa Maynila na ulit nag-aaral.
BINABASA MO ANG
Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!)
RomanceSi Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang siya nitong inayang magpakasal. She said yes because of two reasons. Una, para sa kaligtasan ng tatay...