Chapter 5: Battle Against Her

24.7K 1.2K 1.1K
                                    

Penelope's PoV:


"Class Dismissed. You may now take your break." Was the last thing that our teacher said bago tuluyan lumabas ng room namin.


In an instance, nagsipagtayuan ang mga commoners kong kaklase. Tss. They're so noisy. Hindi naman halatang excited na excited silang magbreak time.


I'm still here sitting prettily on my seat. Kapag dyosa ka, may sarili kang time at schedule nang paglabas noh.


Tsaka lang ako nagsimulang maglakad papalabas nang makita kong clear na ang pathway ng door. Just like a Queen, walang sino man ang nagtangkang  humarang sa dinadaanan ko. Good for them. Baka makasampal ako bigla ng dumb shits.


Pero automatic na nagbago ang mood ko nang makarating ako sa cafeteria. Agad na nagsalubong ang dalawa kong magandang kilay. Kung nakikita ko lang ang sarili ko, paniguradong hindi na maipinta ang beautiful face ko.


Ugh bakit naman kasi ganto huh? Bakit ang daming peeps ang nandito ngayon sa cafeteria? It's so kadiri naman kung makikipagsiksikan ako sa kanila.


Pang ibang level ang ganda, sexy, popularity, at yaman ko noh. Hindi nila ako kayang mareach. Therefore, hindi ko kailangang makipagsabayan sa kanila.


Nagsimula akong maglakad ng parang model. I walked elegantly towards the first in line in the VIP area. Tanging mga Top 30 lang ng school ang pwedeng pumila dito. I noticed that someone's on the line. Oh well, I don't care rin naman.


Agad na pumila ako sa unahan. "What? May angal ba kayo?" Nakataas-kilay kong tanong.


"W-Wala po Miss Penelope." Umiling sila bilang sagot at agad na nag-iwas ng tingin. I smirked. Good for them.


That's one of the perk of being the no.1 in the school's ranking. Ibang-iba ang trato sayo. Parang isang prinsesa na sinusunod na lahat. I really like it pa naman when I'm in command.


"1 Carbonara, 2 Caramel Pretzel Brownies, and 1 Diet Coke." At ibinigay sa kanya ang card ko. Maya-maya pa ay nandito na rin ang order ko. And take note, may tagabuhat pa.


Iginala ko ang aking tingin sa buong cafeteria. I'm looking for a nice seat. Agad namataan ng mata ko ang isang pamilyar na pigura ng tao. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya.


"Hello Dylan." Nakangiti kong bati sa kanya. Pero ang siste, ayun sumimangot lang sa akin.


"Go on, take a seat." Walang kaabog-abog nyang saad. Tss. Halatang ayaw na ayaw nya sa presence ko.


"Here." Binigyan ko ng tip na 1000 ang taong nagbuhat ng foods ko. Actually, I think hindi pa sapat ang binigay kong tip kung kaya't binigyan ko pa sya uli ng dalawang 1000.


"Let's eat." Masaya kong turan. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. I prayed first before eating. Of course kahit may lahi akong demonyita, hindi ko nakalimuang magpasalamat sa mga blessings na natatanggap ko.


Hindi pa ako nakakarami nang pagkain sa carbonara nang mapansin ko ang isang tray na nakalapag sa table namin ni Dylan. I also heard the creeking sound of the chair, indicating na may umupo.


"What the? Bakit nandito ang babaitang yan kuya?!" I exclaimed. Mygoodness. Hanggang dito ba naman?


"Tss. Ang ingay naman ng bunganga mo. Ang sakit sa tenga." Masungit na saad ni Dylan at sinamaan pa ako ng tingin.


"And stop calling me kuya. Feeling ko ay ang tandang-tanda ko na eh ilang segundo lang naman ang pagitan nating dalawa." And rolled his eyes on me.


Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon