Chapter 33: She Knows

22.6K 1.2K 717
                                    

Penelope's PoV:

"W-What did you say?"

Shock was written on Keziah's face. Parang tinakasan sya ng lakas. Nakaawang ang kanyang bibig habang hindi makapaniwalang nakatingin sya sa akin.

"Tss. Hindi ko na uulitin pa. Once is enough, twice is too much." Mataray kong saad at inirapan sya. Hindi ko naman kasalanan kung may pagkabingi si Keziah. It's her fault.

I smiled secretly. At least, nasabi ko na rin ang nararamdaman ko. We're aware of each other's feelings.

Damn it! Ang rupok mo talaga, Penelope!

I want to smack myself really hard dahil pagdating kay Keziah, sobrang rupok ko. Yung tipong kunting lambing lang nya sa akin, mawawala na ng isang iglap ang galit ko sa kanya.

Alam na alam nya kung paano ako mapapakalma. Hmp.

Napailing na lang ako sa kawalan. I can't help it. Tao lang din ako.

I'm also glad for this day dahil naiexplain nya ang side nya. Nagkalinawagan na rin kaming dalawa.

Aish. I'm really dumb sometimes. Mas inuna ko ang galit at pagsampal ko kaysa pakinggan ang explanation nya.

Nevermind. This will serve as a lesson to me. Ang pride parang panty. Walang mangyayari kung hindi ibababa.

In short, hindi ko dapat pinapairal ang pride at ego ko.

I snapped into reality nang maramdaman kong may pumitik sa aking noo.

"Stop daydreaming. Wag mo naman masyadng ipahalata na patay na patay ka sa akin."

Automatic na napaarko ang isa kong kilay dahil sa aking narinig. Wow ha. Ako pa talaga ang patay na patay sa kanya?

"Patingin naman kung makapal ba ang mukha mo." I said and smiled sarcastically. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi.

"Confirmed. Makapal nga talaga." And rolled my eyes to her. She's being cocky huh?

"Don't be too confident. Hindi porket mahal kita, official na kaagad tayo." With that, nakita ko kung paano nagbago bigla ang kanyang expression.

"B-But m——"

"No buts." Maawtoridad kong saad. If she doesn't want to comply with my requirements, edi wag.

She still needs to work hard. Ni hindi nya pa nga ako tinatanong ng 'Will you be my girlfriend?'.

Keziah's throwing a tantrums but I acted as if I don't care. Infairness, ang cute nya ha.

"Ako na ang mag-oorder ng foods natin." She said nang makarating kami sa cafeteria. I just nodded my head as an answer.

Hindi ko na kailangan pang maghanap ng table dahil may reserved seats naman para sa akin. Yes, tama kayo nang pagkakabasa. Perks of being the rank 1 slash Queen of this University.

Minutes later, nandito na rin sya kaagad. Parang nagningning ang mata ko nang makita ang pinakafavorite kong carbonara.

We prayed first before finally eating.

"Para-paraan ka talaga kahit kailan noh?" Masungit kong saad. She looked at me innocently.

"What are you talking about?" Keziah said and smirked at me. Isang matalim na irap ang ibinigay ko sa kanya.

"This." At itinaas ang kamay namin ngayong magkasaklop. She's the one who held my hand. Duh.

"Why? Ang ganda kay. Bagay na bagay." She said while wiggling her eyebrows. "Atsaka, kung ayaw mo, pwedeng-pwede mo namang tanggalin. Bakit hindi mo 'yun ginagawa?"

Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon