Bangs POV
ilang araw matapos ang graduation namin di pa rin nawala ang komunikasyon nami. marami man sa amin ang nagsimulang maghanap ng bagong trabaho at busy na rito hindi pa rin namin nakakalimutan ang dahilan kung bakit masaya kaming umalis sa buhay kolehiyo.
si Mark patuloy pa rin sa paglalaro ng basketball. pinatunayan nya na kahit bakla kaya nyang sundan ang pag-ikot ng bola. marami man syang naririrnig na mga usapin tungkol sa kanyang pagkatao hindi nya lang ito pinapansin. sa halip marami ang humanga sa kanya dahil nagpakatotoo sya sa sarili nya.
si norie naman ayun nakapasok agad sa kumpanyang inaplayan nya. di na ako magtataka, magaling talaga at matalino ng sobra ang bakla. ngunit sa kabila nito di nya pa rin binalewala ang grupong tumulong na buuin ang kanyang pagkatao at laging andyan para alisin ang kanyang dinadalang problema sa buhay.
ako, Chang2x at Grace naman, eto busy sa review namin sa LET. pangarap talaga namin ang maipasa ang exam at maging propesyunal sa larangan ng pagtuturo.
sina Kim at Cris, ayun, wala pa yatang plano sa kanilang buhay. hihintayin pa sigurong pumuti yung uwak bago maghanap ng kanilang trabaho.
ang Gian naman, nagtatrabaho na sa isang industrial firm bilang isang engineer syempre. nakakaawa na nga yung bessy ko, laging pagod sa trabaho pero ni minsan di nawalan sa akin ng time. Mahal talaga ako ng mokong na uyun. *_*
si Anne naman, wow ha, ikakasal na ang bruha! syempre dahil makakapal yung mukha namin imbitado kami sa kasal nya. kailan, MALAPIT NA! (totoo talagang ikakasal na sya! :D best wishes in advance sis!!)
hanggang dito na lang. wala man itong value sa iba pero ang kwento na to ay hango sa totoong ugali ng mga karakter. ganito man kami pero ganito talaga kami eh! hehehe :D
habang buhay kong itatago dito sa puso ko ang mga ala-alang hindi malilimutan sa ilang taon ng aming matibay na samahan. lubos akong nagagalak na ako'y bahagi ng aming grupong tinatawag na SARIBARKADS! Mabuhay sa aming lahat! :)))
BINABASA MO ANG
The Means and the Bullied Hearts
Non-FictionAng kwento tungkol sa tatag ng pagkakaibigan at pakikipaglaban sa iyong minamahal.