Gian's POV
hindi ako mapakali ngayon dahil hindi pa rin natatagpuan si Bangs kasama ang mga barkada nito. ang pagkaka-alam ni Cris nang gabing plano sana ng mga ito na puntahan siya sa bahay nila ay hindi raw ito nakatuloy. ako nga rin, akala ko natuloy sila dahil plano ko sanang sumunod na lang at maghintay ng text ni Bangs ngunit hindi ito nagtext kaya tinawagan ko na lang si Cris. subalit wala pa raw ang mga ito. doon na ako biglang kinabahan at hindi ko mawari kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. tumawag na rin ako sa bahay nila Bangs at ng iba pang pamilya ng kasamahan nito at nagbakasakali ngunit katulad pa rin ni Cris, wala ang mga ito sa kanila.
kasalukuyan akong nasa police station ngayon kasabay ng mga magulang ng iba pang nawawala. lahat ay nag-aalala dahil ilang araw na lang at graduation na nila. may mga umiiyak na rin at ang iba ay kalmado lang. ilang sandali pa lang ng aming pananatili sa loob ng estasyon nakita kong papunta sa amin si Anne.
ano kaya ang ginagawa nya rito?
"Gian!" - tawag nya sa akin.
"oy Anne, anong ginagawa mo rito." - tanong ko.
"nabalitaan ko yung nangyari. at sa tingin ko alam ko kung sino ang nasa likod nito." - seryosong saad ni Anne.
lahat ng atensyon ng mga maulang at napunta kay Anne.
"sino?" - tanong ko.
"si Camille." - walang pagdadalawang-isip na sabi nya.
si Camille? na naman?
April's POV
hohoho!!! yes! may POV ako! hahahahaha!!!
sa mga walang alam dyan tungkol sa akin, ako po si April, isa sa mga members ng The Sweet Friends! as in SWEET! Amigas! ahahahahaha!!!!
nandito kami ngayon sa isang resort sa Palawan. naisipan kasi naming magbakasyon ng magbabarkada bago ang graduation. first time rin naming pumunta dito kasi wala kaming oras tapos medyo malayo pa sa amin. kaya susulitin na talaga namin ang moment na to! hoho!
nag rent lang kami ng cottage kasi overnight lang ang gagawin namin. medyo madilim na rin kasi malapit nang gumabi. kanya-kanya na ring trip ang mga kasamahan ko. si Maui at Jean naliligo ngayon sa beach habang si Kin naman kasamang namamasyal at nagsa-sight seeing si Jay-ar. si Lizet at Crycel naman ay parang mga baliw na hindi nagsasawang mag-selfie. ang baklang si Jeffry nakikipag one-on-one sa volleyball sa payatot na si Joan. kawawang Joan, walang awa sa sarili kahit na pinagti-tripan na ni Jeffry.
ako, heto, nanonood ng sunset kasama ang aking pinakamamahal na boyfriend. hahaha .. sige, ako na ang in love (*/////*)
mga halos kalahating oras na rin ako sa upuan ng cottage nang may maramdaman akong kakaiba sa sarili ko. parang ang lagkit lang ng pakiramdam ko at medyo sumasakit yung puson ko.
naku, baka ang ibig sabihin nito .....
para makasigurado ako naisipan kong pumunta ng CR.
"ahm bhe, mag si-cr muna ako sandali ha." -ako
"ha? bakit? naiihi ka ba?" - sya
"ay hindi, hindi naman. ano kasi, ahmm, alam mo na, yung ganun?" - nahihiyang sabi ko.
mukhang nakuha naman nito ang punto ko.
"ahhh, gusto mo samahan na kita?" - tanong nya.
"ahh, wag na. titignan ko lang naman kung meron. babalik din ako agad." - tanggi ko.
BINABASA MO ANG
The Means and the Bullied Hearts
Non-FictionAng kwento tungkol sa tatag ng pagkakaibigan at pakikipaglaban sa iyong minamahal.