Mark POV
tatlong araw na din kami dito sa ospital at huling araw na rin. hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. pati ako na walang alam sa mga nakaaway ng mga kasamahan ko rito nadamay pa. iba rin trip ng mga ito eh'. kahit na ospital na parang wala lang sa kanila kasi kung maka-pintas sa mga kasamahan parang mga bato lang.
"hoy Mark! problema mo? parang wala ka sa sarili mo?" - Norie
nandito na naman tong baklang to. wala nang ibang ginawa yan kundi yurakan ng paulit-ulit ang pagkatao ko.
"anong pake mo? Norie, pansin ko lang, bakit ba ako na lang lage ang iyong pinagdidiskitahan?" - inis kong tanong sa kanya.
"di ba nga 'birds with the same feathers flock together'. so, since pareho yung mga feathers natin kaya hindi talaga maaaring di kita mapansin." - Norie
nambubwesit rin eh'
"kelan mo ba talaga ipagtatapat yung totoo?" - tanong ni Norie na nakapagpatahimik sa akin.
"wala ka na dun'" - sagot ko na lang.
"alam mo, wala naman talagang masama sa pagiging bakla eh'. dapat nga masaya ka sa pagkatao mo. pero parang hirap ka sa sarili mong tanggapin kung sino ka talaga kaya hindi mo maramdamang masaya ka. mas lalo mo lang dinagdagan yung problema mo. kung iniisip mo na ang pagiging bakla ay sumpa at lalo itong lumalakas nagkakamali ka. hindi ang kapangyarihan ng sumpa ang nagpapalakas sa sumpa kundi ikaw ang nagpapalakas ng sumpa. gets mo?" - madramang saad nito.
may punto naman talaga si Norie. paano ako magiging masaya kung lage ko na lang inuuna ang takot ko? takot na baka kutyain ako ng mga taong malapit sa akin, takot na baka hindi ako tanggapin lalo na ng mga pamilya ko, at takot na baka walang magmahal sa akin. siguro panahon na upang maramdaman ko na ang tunay na kalayaan sa sarili ko. panahon na upang tanggapin kung sino talaga ako.
"Nor, halika ka nga." - tawag ko sa kanya.
"oh, bakit?" - takang tanong nya.
niyakap ko sya na ikinagulat nya ng sobra.
"ewww, Mark, bitawan mo nga ako! kadiri ka! walang talo-talo oy!" sabi ni Norie na parang diring-diri talaga sa akin.
nagulat rin naman ang iba kong kasamahan na nandito ngayon sa silid. iisa lang po kasi yung room namin pra daw hindi mahirap kung bisitahin. tinignan nila ako ng pagtataka.
"guys!" -ako
"well, well, well, listen, all of you, may aaminin ako sa inyo. alam ko na alam na ng iba jan yung tunay na ako. kung ano talaga ako." - panimula ko.
"wag mong sabihing, ha! guys, lumayo kayo sa kanya. delikado ang isang yan!" - nagpapanic na singit ni Bangs.
"anyare?" - Yvonne
"ALIEN sya! may napanood kasi ako sa GMA na sobrang gwpo nung lalaki tapos yung totoo alien pala sya! tulad nya, may hitsura sya tapos alien pala! hala, lumayo kayo--- ARAY!" - pamimilipit ni Bangs sa sakit. kasi naman po tinapon ko sa kanya yung maliit na bag na dala-dala ko. eh' tinamaan sa ulo kaya ayan.
"patapusin kasi." - Yvonne.
"hoy Bangs, hindi ako si Mateo Do. adik ka pala eh'. imposibleng magiging katulad ko yung gwapong ex kong yun. ang totoo, bakla po ako. as in, beki, shude, gay, sireyna at kung ano-ano pang may dalawang pagkatao. o ano, happy?" - sabi ko na may pakumpas-kumpas pa ng kamay.
ng may biglang kalabog kaming narinig.
"hala!!! si Grace at Kim! hinimatay!!!" - sigaw ni Chang2x.
BINABASA MO ANG
The Means and the Bullied Hearts
Non-FictionAng kwento tungkol sa tatag ng pagkakaibigan at pakikipaglaban sa iyong minamahal.