Chapter 20 - End this War

11 0 0
                                    

Chang2x POV

sa wakas araw na rin ng aming pagtatapos. ngunit kahit nakita mong nakangiti ang lahat ramdam pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata. ganito talaga, may mawawala at meron ding magbabalik. sinong nagbalik? eh di sino pa, kundi ang mataray pero magaling na professor namin sa major na mula sa pagkaka-ospital na walang iba kundi si Mrs. Rubelyn Bendong. hindi pa rin ito totally recovered pero makikita mo naman na unti-unting bumabalik ang masamang aura nya. hehehe.. sorry.

"congratulations Kenneth, magtatapos ka rin sa wakas!" puri ni ma'am kay Kenneth.

"thank you so much ma'am. i will surely miss you sa pag-alis ko rito." sabi nito sabay hug kay ma'am.

psssss.... plastic talaga ang baklang to'. sipsip kay mama nya, ay este, ma'am pala.

sarap pag-untugin!!

nagsimula na rin ang seremonya at nakapila na rin lahat ng mga gagraduate ngayong taon na ito. entourage na, ibig sabihin rarampa na kami sa gitna. kaliwa't kanan rin ang mga kumukuha ng litrato.

asar, ano kaya itsura ko ngayon sa mga camera nila?

nakakainis rin itong si manong kahit di inutusang kunan ako ng litrato kumukuha parin. akala mo naman bibilhin ko yung litrato. asa ka pa!

naka-upo na rin kaming lahat sa upuan habang hinihintay na lang namin na tawagin yung pangalan namin para sa receiving of diploma. pero makukuha kaya agad namin yung diploma namin? baka naman hindi pa yan nalagdaan ng admin ng school nato. lagot talaga sila. di na po kami highschool na iho-hold yung diploma namin kasi wala pang pirma nung principal o di naman kaya walang seal.

inunang tawagin nung emcee yung kursong BSHRM. panglima pa kami sa sampung kurso dito sa university na to. ibig sabihin kinakailangan pa naming maghintay ng ilang oras para kami tawagin dahil sa di mabilang-bilang na population ng ibang kurso.

naman! nakaka-boring naman ang ganito oh!

matapos ang ilang oras ang kurso na namin ang sunod. tapos na rin sila Kim, Yvonne, Mark at Cris. sunod pa ang kurso ni Norie sa amin. ayan na! isa-isa nang tinatawag ang mga may mga awards. syempre kasali dito si Kenneth, as expected. teachers' pet eh'. natapos ang mga parangal at giving of diploma na ang kasunod.

letter A syempre ang mauuna.

marami rin ang letter A kasi lahat ng majors ang tinawag. hanggang sa naging D na ang tinawag.

"Mary Grace Denaque, major in English", twag nung host.

palakpakan naman kami. moral support kumbaga. hehe.

matapos ang ilang minuto letter M na rin sa wakas!

"Charlene Morales, major in English!", host.

yes! sa wakas! matapos ang ilang oras kakaupo nakatayo na rin ako! wooh! thank you Lord!

at dahil pumalakpak ako, dapat lang na pumalakpak rin sila. aba, kahit ang sakit na sa palad kapapalakpak sa kanila tiniis ko para naman isipin nilang may nagmamahal sa kanila. tama nga naman. hehehe.

nung letter V na bigla kaming natahimik kasi wala sya dito ngayon. kung di sana nangyari sa kanya ang bagay na iyon malamang kasama namin syang nagtatawanan at nagdiriwang ngayon, kaso ganun talaga ang buhay eh. may mga bagay na dapat talaga nating tanggapin. hahay..

"Sheena Mae Venecario!" sabi nung host.

tumahimik na lang kami. walang umimik maskin isa sa amin. lahat ay malungkot at nagpapakiramdaman.

nagsimula nang magtawag ulit ng ibang pangalan yung host nang mapansing wala yung unang tinawag nya. ng biglang..

The Means and the Bullied HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon