3rd Person POV
"nakaligtas man sila nung una, hinding-hindi na ngayon sa ikalawang pagkakataon. hahahahaha!!" - sabi nya.
inis man sya sa nangyari dahil naka-uwi na sa ngayon ang magkaka-ibigan pero hinding-hindi sya titigil hangga't hindi sya makapaghiganti ng sobra sa mga ito.
"humanda kayo sa mga pasabog ko. sisiguraduhin kong pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa akin." - seryosong saad nya.
"luluhod kayong lahat sa harapan ko! lalo ka na, evil step-sis! hahahahahhaha!" - malademonyong tawa nya.
Bang's POV
oo, brokenhearted ako ngayon. nakakainis, ipagpalit ba naman ako sa hitad na yun? bahala na nga sya sa buhay nya. basta ako, i will learn to forget and move on with him na. hindi lang sya ang lalaki sa buong mundo.
"BEST!!!"
oh, oh! nandito sya sa school? i mean sa labas ng school.
dali-dali kong binilisan yung paglalakad ko pero sa kabutihang palad, natapilok po ako.
"aray!" impit ko sa sakit.
wooh! grabe! saya ng araw ko. lintek na batong to, haharang-harang sa dinaraanan ko? eh, sipain ko kaya ito?
"best, dahan-dahan nga. kahit kelan talaga ang tanga-tanga mo." saad ni Gian.
"ay, so ganun? pupunta ka rito para trashtalkan lang ako?" - inis kong sabi.
"hindi yun trashtalk, compliment yun, baliw!" - sagot nya.
"ah, ganun ha? ang galing mo talaga f*ck you ko! ang bait-bait mo talaga f*ck you!" - nakangising sabi ko sa kanya.
compliment pala ha? marami ako nyan. >:D
"shut up! will you? kababae mong tao pero bibig mo walang modo!" pikong sabi nya.
"excuse me, that's my way of giving compliments to the person whom i don't like." i said sarcastically.
"problema mo?" - tanong nya.
"IKAW!" - sabi ko tapos deretso ng lakad.
ang sarap pala sa feeling matalisod sa bato? wooh, grabe, sarap lang! nakaka-enjoy maglakad ng paika-ika!
"pwede ba!" sabay hablot nya sa kamay ko.
pinagtitinginan na rin kami sa daan. eh, sa may halong baliw eh.
"ano bang kasalanan ko sayo ha? bakit mo ako iniiwasan? simula ng umuwi ka galing ospital di ka nagparamdam pa. ano bang nagawa ko?" - may hinanakit na sabi nya. parang nalilito ito sa mga nangyari.
"alam kong alam mo ang sagot sa mga tanong mo. wag kang magpaka-inosente dahil hindi bagay sayo." - inis kong saad.
"hindi ako magtatanong sayo kung alam ko ang sagot kaya please, sabihin mo na!" pagmamakaawa nya.
"punta ka ng condo ko, 8 pm, dala ka rin ng foods. wala akong grocery stock ngayon sa ref ko. may pasok pa ako kaya kung maaari bitiwan mo muna ako."- sabi ko na lang.
mas lalo nya pang hinigpitan yung hawak sa braso ko. napakislot ako dahil sa sakit.
"ano ba! nasasaktan ako. kung gusto mong malaman yung totoo, sundin mo yung sinabi ko sayo." medyo tumaas na rin yung tono ng boses ko.
"okay, fine. pupunta ako." - suko nya.
pagkatapos nito pumasok na ako ng campus. nang nasa loob na may natanggap akong text.
BINABASA MO ANG
The Means and the Bullied Hearts
Non-FictionAng kwento tungkol sa tatag ng pagkakaibigan at pakikipaglaban sa iyong minamahal.