Mark's POV
"tama nga ako. ikaw nga yan, Camille." - Bangs
halos lahat ng nasa loob ng kwarto ay nagulat sa nalaman. yung iba naman parang expect na talaga nila kung sino ang may pakana ng kidnapping nato. pero chaka naman oh! kami ni Kim, nganga!
eh sino ba kasi ang epal na Camille na yan? nakakasira ng beauty naman to oh'
"wait lang guys ha! i know nagliliyab na yang mga puso nyo. eh, question lang po. sino po ba rito ang may alam sa babaeng yan na kahit mag mascot MAS MAGANDA pa rin ako?" - maarteng tanong ko.
"HOW DARE YOU! ikaw? mas maganda? where?? FYI, walang bakla ang kahit kailan magiging maganda. ambisyosa mo naman Mark!" - Camille.
wala daw?
"alam mo, unang tingin ko pa lang sayo, honestly, kung hindi ko alam na pepe pala yang nasasayo iisipin ko talagang bakla ka." - ako
"BASTOS!!!
Jay-ar! give me the gun!
NOW!!" - galit na utos nito.
may isang lalaki naman ang lumapit rito na may dalang baril sa kanang kamay nito. pagkakuha ng baril ay agad namang itinutok ni Camille ito sa akin. syempre, natakot naman din ako noh. meyged!!! kung mamamatay ako ngayon mababawasan na ng isang magandang nilalang sa mundo.
"so who do you think you are?" - inis na tanong nito sa akin.
"running out living scars. collecting your jar of hearts, tearing love aparts!" - dagdag ko.
lahat ng nasa paligid ay di nakapagpigil at tumawa pati na rin ang mga lalaking goons.
"SHUT UP!!" - sigaw na sabay ng isang putok.
"ahhhhhhhhh!!!" - sigaw naming lahat.
"mark, tama na! wag mo nga kaming idamay sa kalokohan mo. kung gusto mo, mauna ka nang mamatay. di pa kami ready uy!" - sabi ni Kim na nahihintakutan.
"so ganun? trayduran? eh sa pikon tong babaeng to eh'." - ako
bigla-bigla hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng idinikit ni Camille ang bunganga ng baril sa noo ko. para akong nanigas at hindi makagalaw.
"sa oras na ibubuka mo yang bibig mo, magbilang ka na ng pera panggastos sa libing mo." - Camille
napalunok ako dahil sa sinabi nya. hindi ko na lang ibinuka yung bibig ko. nakita ko namang seryoso talaga sya sa sinasabi nya.
"kayong lahat dito. kung iniisip nyong nagbibiro lang ako, pwes, nagkakamali kayo! kung sa tingin nyo hindi ko kayang iputok ang baril na ito sa isa sa inyo, eh di pagbibigyan ko kung gusto nyong humingi ng sample." - Camille.
at sa isang kisap-mata lang bigla natumba si Chang2x.
"Chang!!!!!!!" - tili naming lahat.
dali-dali naman naming nilapitan ito. may tama ito sa kaliwang balikat nito at dahil na rin sa sobrang gulat ay hindi ito nakapagsalita. basta lang tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
"ang sama mo Camille!" - bulyaw ni Norie.
umiiyak na rin ang mga ito dahil sa nangyari.
"sinasabi ka na nga sa inyo na wag nyo akong suukan at wag na wag nyong uubusin ang pasensya ko." - Camille
"ano ba talaga ang kailangan mo sa amin ha?" - di na rin nakapagpigil na tanong ni Grace.
"simple lang.
ang magdusa kayo!" - nakangising sagot ni Camille.
"ano ba Camille! tama na! simpleng bagay lang naman yung nangayri sa club. hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ito nakalimutan?"- mangiyak-ngiyak na sabi ni Bangs.
"hindi lang ito tungkol sa bar! alam nyo bang pinalayas na ako sa amin dahil sa mabait kong ate? dahil lang may nakita syang droga sa kwarto ko at nalaman nyang hindi na ako pumapasok ng school at ang tuition ko ang ginamit ko sa pagbili ng mga gusto ko ay isinumbong agad ako sa step-mom at step-dad ko. kung tutuusin kasalanan naman talaga nila ang lahat eh'. kung sana binigyan nila ako ng maraming-maraming pera at hindi pinaghihigpitan eh di hindi ko sana naitulak si mama sa hagdan dahil sa kadadakdak nya sa akin tungkol sa pera na nagamit ko." - litanya ni Camille.
"so, ikaw pala ang dahilan kung bakit isinugod at kritikal ngayon sa ospital si Ma'am Rubi." - di makapaniwalang saad ni Yvonne.
"yeah right. at alam nyo bang hindi nila alam na ako ang may gawa nun dahil walang nakakita sa nangyari? at ako naman best actress paiyak-iyak kunwari sa kanya. nakakaawa kasi. hahahahaha!!!" - malademonyong tawa ni Camille.
"maghunos-dili ka Camille! ang taong nag-aruga at itinuring kang pamilya sinasaktan mo na? napakawalang-puso mo!" - Bangs.
"ano yun? pamilya kamo? nagpapatawa ka ba? kahit kailan hindi ko naramdamang itinuring nila akong pamilya. pamilya ba kung matatawag yung ang daming bawal sayo? pamilya bang matatawag kung laging pinupuna lahat ng mga mali mo? at pamilya bang ituring kung sa maling nagawa mo palalayasin ka na sa buhay nila? Pamilya ba ang tawag mo nyan?!!" - galit na bulyaw ni Kim.
"pero bakit mo kami dinadamay kung ang problema mo ay ang pamilya at buhay mo lang?" - Norie.
"dahil isa kayo sa nagpahirap sa buhay ko! at kapag may binitawan akong pangako tinutupad ko yun! kaya heto kayo ngayon, nakaka-awa." - Camille.
"alam mo Camille kung sino ang nakaka-awa? ikaw yun. hindi mo kasi matanggap sa sarili mo na iniwan ka ng mga tunay mong mga magulang at ampon ka lang. na sa halip buksan mo yang puso 't isip mo na may mga nagmamahal at nag-aaruga sayo pinipilit mong sinasabi sa sarili mo na walang tama sa paligid mo kahit ang totoo mayroon. binabalot mo ang sarili mo ng takot na mag-isa at ang takot na maiwan muli ng mga taong nasa paligid mo." - nahihirapang saad ni Chang2x dala na rin siguro sa tama ng baril sa balikat nito. may nakatali na ring panyo rito upang pigilan ang agos ng dugo nito.
"hindi totoo yan! hindi totoo yan! ahhhh!!! sino ka para sabihin mo sa akin lahat ng yan? hindi mo ako kilala. wala kang alam sa pagkatao ko! hindi nyo alam ang mga paghihirap ko!" - Camille.
"hindi nga. wala nga kaming alam tungkol sayo dahil ang alam lang namin kulang ka sa pagmamahal ng isang magulang, kapatid at kaibigan. at ang totoo, naiingit ka dahil yung mga gusto mo, nakikita mo sa relasyon ng step-sis at adopted parents mo, kay Bangs na syang minamahal ngayon ng iniwan mong si Gian na dating boyfriend mo at sa aming magbabarkada na laging nandyan para sa isa't-isa. tama ba ako?" - Chang2x.
sa sinabing ito ni Chang2x ay hindi nakapagsalita si Camille. parang natameme ito at natamaan sa sinabi ni Chang2x. biglang natahimik ang buong kwarto. ilang minuto biglang tumawa ng mahina si Camille hanggang sa unti-unti na itong lumakas.
"hahahahahahaahahaahaha ...!!! ang galing! ang galing nyo lang. pero kahit na ano pang sabihin nyo, tuloy pa rin ang plano kong
pabagsakin kayo!" - Camille.
BINABASA MO ANG
The Means and the Bullied Hearts
Non-FictionAng kwento tungkol sa tatag ng pagkakaibigan at pakikipaglaban sa iyong minamahal.