෴ KABANATA III ෴

38 2 0
                                    

"La Historia de Mi Familia" bangit ko nang mabasa ko ang nakasulat sa unang pahina ng diary ni Lucia na pinagmulan ng ninuno ko.

"Hmm ano kayang lenguwahe ito? Baka Espanyol, dahil ang taong 17 hundreds ay napasasailalim ang Pilipinas sa pamamahala ng Imperyong España."

Pinatay ko na lang ang ilaw sa kwarto ko dahil hindi pa rin iyon humihinto sa pagpatay-sindi. Ginamit ko na lang yung emergency flashlight na nakatago sa drawer ko.

"Unang pahina pa lang parang mahihirapan na ako sa pag translate nito. Dalawang salita lang ang sa tingin ko ay naiintindihan ko. Siguro ang ibig sabihin ng 'Historia' ay history at ang 'Familia' ay family. So... family history? Hays isesearch ko na nga lang sa google translate to para makasiguro." Sabi ko at kinuha ko na ang cellphone ko na naka-patong sa study table ko.

Agad akong nagpunta sa google at tinanong ang ibig sabihin ng La Historia de Mi Familia. Ngunit hindi ko inaasahan ang lumabas sa screen ng cellphone ko.

"Something went wrong please check your internet connection"

"Nice! Veeery nice!" Sarcastic kong sabi sabay napa-irap na lang sa ere.

"Fine! bukas ko na lang ito isesearch. Nakapatay na yata ang router. 11:58 naman na, makatulog na nga lang." Sabi ko at niligpit na ang lumang diary.

Syempre hindi pa ako agad nakatulog. Mga isang oras pa akong nakatulala sa kisame at nagde-daydream. Normal ba na magday-dream ng isang oras bago makatulog? Usually kasi ganon ako.

...෴۝෴...

Kinabukasan, maaga kong sinimulan ang araw ko. Linggo ngayon at may pasok na ako sa school bukas. Habang naglalakad-lakad ay dumiretso na rin ako sa Kapilya malapit dito sa bahay namin at nakipag-misa.

Pagtapos ng misa ay umuwi na rin ako. Inayos ko na rin ang mga lumang gamit na dadalhin ko pauwi sa boarding house. Yung mga sulat, yung diary, yung singsing, lumang pictures nila Dad, old key, yung flower brooch at yung pocket watch syempre bibilhan ko pa yun ng battery. Yun lang ang mga nilagay ko sa iisang bag. Hindi ko na isasama ang lumang newspaper at baro't saya dahil hindi ko naman yon maisusuot sa panahon na to. Saka baka madumihan ko lang yon.

Pero mas nakabubuti'ng hindi ko dalhin ang mga lumang gamit na ito sa school kasi mas open space. Kailangan ko ingatan yun dahil hindi yun sakin, hiniram ko lang ang mga pamanang 'yon kay Ate Elizabeth at isa pa matagal yun pinangalagaan ng mga ninuno ni Dad.

Naisipan ko munang magbasa ng ilang mga sulat. Wala pa namang lunch time, kaya dito ko muna ilalaan ang oras ko.

Agad kong binasa kung para kanino ang sulat, hindi Lucia ang pangalang nakalagay dito. Ang sulat na ito ay para kay Conchita...

...෴۝෴...

Flashback:

Hindi mapakali si Conchita dahil panay ang iyak ng sanggol na si Lucia at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Wala pa siya masyadong karanasan sa pag-aalaga ng sanggol dahil kauna-unahan niya ring anak si Diego.

"Naku naman Lucia. Bakit naman hindi ka pa tumitigil sa pag-ngawa? Kanina ka pa umiiyak eh. Ano ba ang iyong nararamdaman? Hindi ka naman nagugutom at hindi naman basa ang lampin mo." Nag-aalalang sabi ni Conchita habang buhat-buhat si Lucia at sinusubukang patahanin.

Si Diego ay kasalukuyang natutulog sa kanyang duyan. Mabuti na lamang ay napatulog na ito ni Conchita bago pa man magwala si Lucia sa pag-iyak.

"Sa tingin ko ay kailangan na kitang dalhin sa bahay pagamutan. Sandali lang muna at maghahanap lang ako ng magba-bantay sa iyo Diego anak ha?" Kinuha ni Conchita ang tira sa salapi na ipinadala ni Imelda, limang buwan na ang nakararaan.

Behind the Memoir of LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon