"Oh hija gising ka na pala. May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang kung ano ang nararamdaman mo ha? Oh heto uminom ka na muna ng tubig" ani Madre Tina. Kumuha naman siya ng baso na may lamang tubig at ipinainom iyon sa akin."Madre Tina. Wala naman po'ng masakit sakin pero medyo nahihilo lang po ako" umupo naman ako sa hinihigaan ko para makainom ako ng maayos.
"Siguro'y dahil sa gutom. Oh siya ikukuha muna kita ng tinapay. Mayroon pa ako ditong natira mula kaninang umaga. Siya nga pala, saan ka ba nanggaling? Nang umuwi ako dito ay wala ka, ngunit ang sabi mo'y paparito ka lamang. Masyado mo akong pinag-aalala"
Tumayo ako sa higaan at niyakap si Madre Tina mula sa likod niya habang kumukuha siya ng tinapay sa mesa.
"Pasensya na po, Madre Tina. Narito po ako kaninang umaga sa tahanan niyo, ngunit wala ka po kanina. Marahil ay nasa Simbahan po kayo ng mga oras na yon."
Doon kasi ako huling nagpunta sa bakuran ng mga alagang hayop ni Madre Tina, kaya doon rin ako bumalik nang pindutin ko'ng muli ang pocket watch.
"Hindi ko po sinasadyang pag-alalahin kayo. Humihingi po ako ng tawad. Hayaan niyo po, mula ngayon babawi po ako. Pangako hindi na po ako aalis nang walang pasabi sa inyo Madre Tina"
"Oh siya sige. Pangako yan hija ha? Bueno! Alam mo ba kung paano ka nakauwi rito?" Tanong ni Madre at agad naman akong umiling.
"Ang sabi sa akin ni Heneral Herrera ay nawalan ka ng malay tao. Kaya'y dinala ka sa bahay pagamutan, mabuti na lamang ay nabatid ng Heneral na magkakilala tayo dahil magkaibigan kami ng iyong ina -gayong hindi naman talaga- kaya dito ka na niya ipinahatid upang magpahinga"
Ilang saglit lang ay naalala ko na ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Ngunit paano naman napasama si Heneral Herrera? eh sa tahanan nila Lucia ako hinimatay? Hindi ko maalala na nakita ko siya roon.
"Si Heneral Herrera po? Pero naroon ako sa tahanan nila Lucia nang mawalan ako ng malay. Natitiyak kong wala roon ang Heneral"
"Yoon nga ang sabi niya. Na kila Lucia ka nga nahimatay, nag kataon na binisita niya roon si Señor Vera ngunit wala naman siya roon ng mga oras na 'yon pero bago siya umalis ay narinig nilang humingi ng tulong si Lucia mula sa likod bahay nila at sinabing hinimatay ka."
"Ah ganoon po ba. Madre Tina, maaari po ba akong pumunta kila Lucia bukas? Nang sa ganoon ay maipagbigay alam ko na maayos na ang pakiramdam ko at nais ko rin magpasalamat sa kanya"
"Walang problema hija. Basta umuwi ka bago mag dilim bukas. Oh heto uminom ka rin ng maligamgan na tubig." Ani Madre Tina.
"Susubukan ko rin po palang mag hanap ng trabaho mamaya. Nang sa gayon ay hindi ako masyadong umasa sa inyo Madre. Sana nga po'y makahanap ako agad ng trabaho kahit ano basta kaya ko" pagkasabi ko no'n ay napangiti lang si Madre sa'kin.
"Natitiyak ko'ng ka'y buti mo hija. Bueno, kung ayan ang nais mo."
༶ ༶ ༶ ༺⌘༻༶ ༶ ༶
Nanggaling na ako sa apat na karinderya, nagbabakasakaling tumatanggap sila ng taga-hugas ng plato o taga-linis. Ang sabi naman ng mga may-ari ay hindi nila kailangan sa ngayon dahil kumpleto sila ng trabahador.
"Sigurado ka ba'ng kaya mo ang trabaho dito?" Tanong sa akin ng babaeng may-ari ng isang karinderya. Sinusuri niya naman ang kabuuan ng aking wangis mula ulo hanggang paa at pabalik.
"Opoo! Kaya ko."
"Duda ako sa'yo eh. Oh, tignan mo nga itong kamay mo parang sanggol sa lambot at kinis" saad nang Ginang matapos niyang dakmain ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Memoir of Lucia
Ficción históricaSa isang pagkakamali ko na pakialaman ang gamit na hindi ko pagmamay-ari, malaking kapalit ang naidulot nito sa akin. Hindi na dapat ako nakialam. Isang kamalian ang nag tulak sa akin papunta sa panahon na ito. ෴♡...