"Sabi nila marami raw tayong kasama dito sa mundo na hindi natin nakikita. Mga duwende, kapre, aswang, diwata at mga enkanto. Nahahati ang mga gampanin ng bawat isa at ang mga gampaning iyon ang nagbibigay ng sarili nilang pagkakakilanlan sa kanilang mga sarili. May tanong ako, ano nga ba ang mga engkanto? Diba isa ito sa halimbawa ng mga kwento na naririnig natin noong bata pa tayo tama? Mga kwento ng matatanda para takutin tayo noong mga bata pa tayo." Sabi ni ma'am habang nakatayo sa harapan ng klase at patuloy na nagdi-discuss. Ang ibang classmate ko naman ay parang walang interes sa mga sinasabi niya.
"Natatandaan ko pa yung kwento sa akin ng lola ko na may apat daw na uri ng enkanto" pagpapatuloy na salita ni Ma'am Mila. Narinig ko naman yung classmate kong nakaupo sa harapan ko at may binulong sa katabi niya.
"Ayan, simula na naman siya sa story telling ng buhay niya" bigla naman nagpigil ng tawa yung dalawang classmate ko, natawa na lang din tuloy ako at tinakpan ang bibig ko ng pa-simple.
"May iba't ibang uri pala 'yon mam? Akala ko iisa lang." tanong ng classmate kong lalaki na nakaupo malapit sa harapan.
"Yung isa mabuting engkanto yung isa masama" narinig ko namang sagot ng isa ko pang classmate na di ko rin alam ang pangalan matapos siyang tawagin ni mam dahil nag-taas siya ng kamay.
Well actually hindi na ako nag-aabalang alamin ang names nila dahil sa college every subject iba-iba ang classmates ko, depende kasi yan sa kurso na kinukuha mo. Iba-iba rin ang classroom at iba-iba rin ang teachers bawat subject. Pero syempre kahit paano natatandaan ko din ang physical appearance nila.
"Hmm medyo malapit na, pero apat ang hinihingi ko" sagot naman ni mam at naghihintay pa rin ng sasagot sa tanong niya.
"Meron bang nakaka-alam sa inyo? Any idea? Just keep guessing. Don't worry hindi naman ako mangangagat kapag mali ang sagot niyo" natatawang sabi naman ni Ma'am Mila.
"We're here to learn naman, sige na participate na kayo. Sige kayo~ hindi ko kaya matatandaan kung 'di kayo palagi nagsasalita" sabi ulit ni mam habang hinihintay pa rin kung may student pa ba na sasagot sa tanong niya.
"Ma'am! Try ko lang po sumagot" sabi naman ng babae kong classmate na may salamin sa mata at maiksi ang buhok. Actually ngayon ko lang siya nakitang mag-recite.
"Okay sure! Pakinggang natin ang idea niya" sabi naman ni mam habang nakatutok na ang atensyon kay ate girl.
"Sa tinggin ko po yung isa sa apat na engkanto ay yung mga nagba-bantay sa kalikasan. Like sa mga bundok or forest po something like that. Yung tatlo naman... I have no idea" sagot ni ate girl habang tumatango-tango naman si Ma'am Mila na parang yun ang inaasahan niyang marinig na sagot.
"What's your name?" Tanong naman ni mam kay ate girl na kasasagot lang.
"Shiela po. Shiela Arevalo."
"Ookay very good! Tama yung sagot ni Ms. Arevalo, class. Yung enkanto na sagot ni Ms. Arevalo ay namamahala sa mga kalikasan. For example dadaan kayo sa lugar na ma-puno, madaming halaman like sa mga probinsya, kung mapapansin niyo ang nanay niyo o lola niyo or kung sinong nakatatanda ang kasama niyo ay nag sasabi ng "tabi-tabi po, tabi-tabi po makikiraan lang"
"Yes mam! Naalala ko po nung nag-hiking po kami, ayan po yung sinasabi ng tour guide" sabi naman ng isa kong kaklase habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Ma'am Mila.
"Yes! that's true diba? Kasi isa na yan sa mga naka-sanayang paniniwala dito sa atin. Kasi it's a sign of respect na rin sa iba't ibang mga elemento na nasa paligid natin na hindi natin nakikita" pagpapatuloy naman ni mam sa pagsasalita habang naglalakad lakad sa harapan. "na parang gusto natin iparating sa kanila na wala tayong intensyon na manira o guluhin ang teritoryo nila."
BINABASA MO ANG
Behind the Memoir of Lucia
Historical FictionSa isang pagkakamali ko na pakialaman ang gamit na hindi ko pagmamay-ari, malaking kapalit ang naidulot nito sa akin. Hindi na dapat ako nakialam. Isang kamalian ang nag tulak sa akin papunta sa panahon na ito. ෴♡...