"O.M.G!!! 1733?" Gulat na sabi ko nang mabasa ang date na nakasulat sa upper right corner ng papel. Napaangat ako ng tinggin mula sa mga lumang papel na hawak ko ngayon at napaisip.
Bakit naman kami magkakaroon ng ganitong gamit? Ilang taon na ang lumipas, tapos buhay pa rin? Kung totoo nga'ng taong 1733 pa ito, ibig sabihin 290 years na'to ngayon kasi year 2023 na O.M.G right? Dahil don ay mas lalo ako nacurious sa iba pang gamit na kasama ng mga sulat na ito.
Kinuha ko rin yung lumang libro na nakalagay rin sa loob ng kahon na ito. Tatangalin ko na sana yung tali na nakabuhol dito sa cover kaya lang nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw dito sa bodega at nakaramdam din ako ng malakas at malamig na ihip ng hangin kahit wala namang malaking bintana dito. Medyo malayo rin yung pinto kung nasaan ako ngayon. Ilang segundo lang ay nagpatay-sindi naman ang ilaw. Inilawan ko ng flashlight ang lugar kung nasaan ang switch ng ilaw, kasi baka dumating na sila Dad at pinagtitripan lang akong takutin dito. Pero wala akong nakitang nagpipindot ng switch.
I decided na lumapit doon sa switch at pindutin ulit. Baka kasi naka-on lang yung switch nang iniwan ko kanina kasi ilang beses ko rin pinindot yun tapos ngayon lang sumindi.
Pagpindot ko naman ay namatay na nang permanente ang ilaw. Pero syempre natakot din ako slight noh. Sino ba namang hindi? Mag-isa lang ako dito tapos humangin pa ng malamig.
At dahil don ay kinuha ko na lang lahat ng laman nung kahon na mukhang chest at inilipat ito sa mas maliit at keri buhatin na plastic box. Mabigat kasi yung kahoy na yon hindi ko mabuhat, baby muscles lang kasi meron ako.
﹏﹏✧෴෴✧﹏﹏
Kumain muna ako ng dinner, nagshower at nag bihis pantulog na ako. Pagtapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at isa-isang ipinatong ang mga lumang gamit sa study table at higaan ko.
"Pocket watch, lumang susi, isang singsing, mga lumang sulat, flower brooch, at mga old pictures"
"Lumang mga newspaper, lumang baro't saya at isang lumang libro?" Pagpapatuloy na sabi ko nang ibaling ko ang tingin sa higaan ko, dahil doon nakalagay ang ibang items. Pinagmamasdan ko ang lahat ng lumang gamit na nasa kwarto ko ngayon.
Maya-maya ay isa-isa kong pinicturan ang mga gamit na 'yon dahil pwede ko itong isali as input sa project na gagawin ko.
Pagtapos ko mag picture ay sinimulan ko nang buksan ang laptop ko at gawin ang powerpoint presentation. Reporting ang naisip kong gagawin ko. Kasi feeling ko mas madali yun gawin. Ayoko naman kumanta sa harapan or tumula or kaya naman gawan ng rap song ang kwento ng pamilya ko. Sabi naman ni Sir, depende sa nais namin basta magandang output, maganda ang grades.
Pagkatapos ko ilagay ang mga pictures dun sa powerpoint ay isa-isa kong pinagmasdan ang mga items na ito.
"May nakatakdang oras para sa lahat" sabi ko nang mabasa ang nakasulat sa likod ng pocket watch. Hindi na gumagana ang orasan na ito, baka wala nang battery. Bilhan ko nga 'to ng battery bukas.
Pwede ko pa siguro ito gamitin ang cute kasi vintage style. Mahilig pa naman ako sa mga lumang gamit. I remembered mga 7 years old pa lang ako mahilig na ako mag collect ng lumang things lalo na mga lumang pera noon. Meron nga akong 1 peso na papel eh.
"Tama! tama! may nakatakdang oras para sa lahat. At ang nakatakdang oras ngayon ay gumawa ng project na ito. Hmmm... I wonder kung ilan taon na ang pocket watch na ito. Ano kayang description ang ilalagay ko sa powerpoint for this item?" Tanong ko sa sarili. At dahil wala pa akong maisip ay nag-skip muna ako sa item na iyon. Sayang oras mars.
"Lumang key? I wonder kung ano ang mabubuksan ng susi na to. Baka isang baul na naglalaman ng mga antique noong unang panahon? Since luma na rin naman ang mga gamit na kasama nito, I think hindi sila nagkaka-layo ng age of existence." Gumagawa na lang ako ng sariling imbento ng kwento depende sa pagsusuri ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Memoir of Lucia
Ficción históricaSa isang pagkakamali ko na pakialaman ang gamit na hindi ko pagmamay-ari, malaking kapalit ang naidulot nito sa akin. Hindi na dapat ako nakialam. Isang kamalian ang nag tulak sa akin papunta sa panahon na ito. ෴♡...