"Magsisisi ka! Tandaan mo yan!" Rinig ko'ng sabi nung babae at paulit-ulit niyang sinisigaw iyon habang hawak pa rin ng ilang mga bystanders ang magkabila niya'ng braso.
Napansin ko ring ang dami ng mga echosero at echosera na nakapaligid sa amin. Ayoko pa naman sa lahat ay maging center of attraction. Nakakainis naman ang babaeng ito bigla-biglang na nanabunot.
༶ ༶ ༶ ༶ ༺⌘༻༶ ༶ ༶ ༶
"Anong nangyayaring kaguluhan dito?" Tanong ng Kapitan sa Bayan ng San Poblacion mula sa bintana ng sinasakyan niya.
Kagagaling lamang nito sa Municipio at pauwi na sana sa kanyang tahanan, nang mapadaan ang kanyang karwahe di kalayuan sa Simbahan. Napansin niyang maraming tao ang nakapalibot at may dalawang Binibini ang pinaglalayo ng ilang mga tao.
Bumaba siya mula sa karwahe at nakialam sa gulong nangyayari sa kanyang Bayan. Nabaling naman ang kanyang tingin sa isang Ginang na halos kilala na ng lahat at ang isa pang Binibini na gulo-gulo na rin ang buhok na may mga galos.
"Anong kaganapan ang mayroon dito?" Muling tanong ng Kapitan nang makababa siya ng karwahe.
"Kapitan Cabueñas, sinugod po ng baliw na si Martina ang isang Binibini. Inaawat lamang po sila'ng dalawa." sagot ng isang residente sa tanong ng kanilang Kapitan.
༶ ༶ ༶ ༶ ༺⌘༻༶ ༶ ༶ ༶
"Ina, sandali lamang po! May pupuntahan lang ako. Maaari po ba'ng ihinto muna ang karwahe?" Tanong ni Merida sa kanyang Ina matapos niyang masulyapan ang nangyayari sa labas mula sa bintana ng karwaheng sinasakyan nila.
Inutusan rin naman ng kanyang Ina ang kutsero na huminto na muna sandali. Dali-dali namang lumabas si Merida at lumapit doon sa eksena'ng pinagkakaguluhan ng mga tao.
Nakita niya roon sa eksena ang Binibining nakilala niya kani-kanina lamang sa tapat ng Simbahan at tinulungan mula sa pagkakadapa nito. Agad rin naman niyang nilapitan ang Binibining iyon nang makita niya ito at habang papalapit sa Binibini ay narinig niya ang sinabi ng isang residente sa kanilang Kapitan.
"Kapitan Cabueñas, sinugod po ng baliw na si Martina ang isang Binibini. Inaawat lamang po sila'ng dalawa."
༶ ༶ ༶ ༶ ༺⌘༻༶ ༶ ༶ ༶
Habang nakatitig ako sa babaeng umatake sa akin, ay may humawak na kung sino sa braso ko. Naalala ko'ng siya pala yung babae kanina sa tapat ng Simbahan na lumapit sa akin nang madapa ako.
"Ah Kapitan Cabueñas! Kilala ko po ang Binibini. Ako na po ang bahala sa kaniya" rinig ko'ng sabi ng babae roon sa kausap niya na isa pala'ng Kapitan.
"Bueno, kung gayon ikaw na ang bahala sa Binibini at kami na ang bahala kay Martina." Rinig ko'ng pahayag ni Kapitan Cabueñas na ibinaling ang pansin sa isa niyang katabi at may pinag-usapan silang dalawa.
Humarap na sa akin muli ang babae at tinanong ako. "Ayos ka lang ba?... Ah! Ano ba naman klaseng tanong iyon diba? Halata namang hindi. Nadagdagan pa ang galos na natamo mo oh." Nag-aalalang sabi ng babaeng kaharap ko ngayon.
"Kaya ko naman" sabi ko kahit na medyo nakakaramdam ako ng hapdi sa bandang noo ko.
"Napakamalas mo nga naman ngayong araw na ito."
"Hmm... pwede ba'ng magtanong? Kilala mo ba ang babaeng iyon? Hindi kasi kami magkakilala kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang niya akong sinugod at sinabunutan" tanong ko sa babaeng kausap ko.

BINABASA MO ANG
Behind the Memoir of Lucia
Historical FictionSa isang pagkakamali ko na pakialaman ang gamit na hindi ko pagmamay-ari, malaking kapalit ang naidulot nito sa akin. Hindi na dapat ako nakialam. Isang kamalian ang nag tulak sa akin papunta sa panahon na ito. ෴♡...