Sa loob ng isang maliit na kubo, na nagsilbi ring tahanan nila Conchita sa loob ng labing-pitong taon, kasalukuyan itong napupuno ng mga luha'ng hindi mapigilan ang pagpatak sa lupa. Ang mga luhang iyon ay nagmumula sa apat na tao'ng kasalukuyang nag-uusap sa kadahilanang aalis na si Lucia sa nakasanayan nitong tirahan upang sumama na sa kanyang tunay na magulang.
Sa loob ng kwarto ay makikitang inaayos na ni Lucia ang kanyang gamit na dadalhin kasama sa kanyang pag-alis. Kakaunti rin lamang ang kanyang mga gamit dahil mas maiging ilaan ang salapi sa pagkain kaysa sa mga gamit na pwede pa naman pag-tyagaan.
"Lucing, pwede ba'ng huwag ka muna'ng umalis? Dito ka muna. Sabihin mo sa susunod na taon ka na lang sumama sa iyong Nanay Imelda." Sabi ni Diego habang pinipilit na pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata.
Saglit na napatigil si Lucia sa pag-aayos nang marinig ang tanong sa kanya ni Diego. Lumingon siya sa kanyang likuran upang harapin ang kausap.
"Diego matagal ko rin naman hinintay ang pagkakataong ito. Palalampasin ko pa ba?" Tugon naman ni Lucia sa kinakapatid niya'ng si Diego.
"Ilang taon din tayo'ng nagkasama at itinuring kita bilang tunay ko'ng kapatid. Pero ngayong aalis ka na, mawawalan na rin ba ako ng kapatid?" Pahayag naman ni Diego at tuluyan na nga'ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Diego gusto ko'ng malaman mo na naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon. Syempre, itinuring din naman kita'ng tunay ko'ng nakakatandang kapatid kahit na isang buwan lamang ang pagitan natin. Masakit din para sa akin ang pag-alis ko ngayon. Pero hindi na bale, magpapadala naman ako ng sulat sa inyo nila Tiya Conching ha? Pangako ko yan" sabi naman ni Lucia at hindi na rin mapigilan ang mga luhang nagbabagsakan mula sa kanyang mga mata.
"Matagal na panahon na ang nakalipas mula nang makasama ko ang aking Ina sa napakasandaling panahon. Ngayon matutupad na ang inaasam-asam ng aming puso na muling magkita. Sana'y alam mo na nananabik din ako'ng makasama ang aking Ina" sunod naman na paliwanag ni Lucia habang nakahawak sa kamay ng kapatid.
"Alam ko naman iyon. Saksi ako sa mahabang panahon na hindi kayo nagkasama. Pero hindi naman maiiwasan na malungkot ako sa iyong pag-alis."
"hm ikaw talaga! Eh palagi mo nga ako'ng inaasar eh. Ano ka ba! Tama na nga sa pag-iyak hindi ako sanay sa iyo na makita ka'ng umiiyak." Sabi ni Lucia at bahagyang tinulak si Diego sa braso. Sinadya talaga niyang baguhin ang usapan upang kahit papaano ay gumaan naman ang kanilang pakiramdam.
Ilang sandali lang ay binuhat na ni Lucia ang isang bayong na naglalaman ng kaniyang mga gamit.
"Halika! puntahan na natin sila Tiya Conching at Nanay Imelda" pag-yayaya ni Lucia kay Diego.
...෴෴...
Sa likod bahay naman sa may tapat ng puno ay makikita mo ang dalawang Ina na nag-uusap. Nakaupo sila'ng dalawa sa upuang tabla na gawa sa kahoy.
"Hindi ko akalaing ngayong araw na aalis si Lucia sa poder ko. Kay bilis ng panahon, parang kahapon ay sanggol pa lamang siya" sabi ni Conchita habang nagbabalik tanaw sa nakaraan.
Hindi mapigilan ni Conchita ang pagpatak ng kaniyang luha sapagkat labis ang lungkot na nararamdaman niya ngayong aalis na si Lucia. Ano pa kaya ang mararamdaman niya sa oras na wala na talaga ito sa loob ng kanilang tahanan?
"Conching, maraming salamat sa lahat ng tulong mo ha? Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng naitulong mo at sa pagsalo mo ng mga responsibilidad sa aking anak. Matagal ko na ri'ng hinihintay ang pagkakataong ito" tugon naman ni Imelda sa kanyang kaibigan. Hinawakan niya ang mga kamay ng kausap habang naluluha na ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Behind the Memoir of Lucia
Historical FictionSa isang pagkakamali ko na pakialaman ang gamit na hindi ko pagmamay-ari, malaking kapalit ang naidulot nito sa akin. Hindi na dapat ako nakialam. Isang kamalian ang nag tulak sa akin papunta sa panahon na ito. ෴♡...