෴KABANATA VIII෴

12 0 0
                                    

Maagang nagsimula ang araw ko dahil mga alas-cuatro pa lang ay gising na si Madre Tina pero syempre alas-singko na ako bumangon.

Nanatili kasi akong nakahiga dahil wala naman akong gagawin. I don't know kung paano nagising si Madre Tina ng walang alarm clock, maybe because of her body clock or siguro dahil sa tilaok ng manok? I'm not sure if si Madre Tina or sa kapit-bahay niya yung manok na naririnig ko. Hindi ko na kasi nakita kahapon, madilim na nang makauwi kami.

Mamaya na lang ako pupunta kila Binibining Merida ayoko namang makaistorbo ng sobrang aga.

"Magandang umaga po Madre Tina" sabi ko nang makaupo ako sa tapat ni Madre Tina. Pinatong na niya ang bagong luto na kamote sa mesa at uminom ng black coffee.

"Magandang umaga hija. Kung gusto mo magkape... ito oh purong kape iyan" ani Madre at inilagay sa tapat ko yung powdered coffee beans at itinuro niya ang kinaroroonan ng takure.

"Kumuha ka doon ng tubig habang mainit pa, kakukulo lang niyan. Heto kamote, almusal natin" dagdag na sabi niya.

"Salamat po Madre Tina. Ahm Madre? pwede po ba akong maglaba mamaya ng damit na suot ko po kahapon? Makikigamit na rin po ako ng tubig at sabon"

"Hija wala akong sabon dito. Pasensya ka na, palagi naman kasing itim ang suot kong abito. Hindi gaano marumihin." Napatango na lang ako sa sagot ni Madre Tina.

Mayamaya ay nagtaka akong bigla kung paano sila naglalaba sa panahong ito ng walang sabon?

"Pero Madre Tina, pano po kayo naglalaba ng walang sabon? Ang ibig ko po'ng sabihin, paano lilinis yung damit o babango?"

"Sinasabi ko na nga ba't galing ka sa mayamang pamilya. Ni hindi mo alam kung paano maglaba ng simpleng pamamaraan sa tanda mong iyan" malumanay na wika ni Madre "Sige, ituturo ko sayo hija. Ganito iyan, una magpakulo ka mamaya ng tubig kasi yun ang gagamitin mo bilang pang-alis ng dumi sa damit mo. Ibubuhos mo iyon doon at ibababad ng ilang saglit. Tapos pwede kang pumunta doon sa ilog para kusutin ng maigi. Gumamit ka ng tabla pamukpok. Kung ayaw mo naman pumunta sa ilog dahil isang piraso lang naman ang lalabhan mo, diyan ka na lang sa poso. Ganun lang hija siguradong kaya mo na 'yan" imporma ni Madre Tina habang kumakain ng kamoteng mainit at iniihipan iyon.

"Ah ganoon po pala yun" sa future kasi washing machine with laundry soap at dryer good to go na.

Nang medyo lumiwanag na'y nagsimula na akong magpakulo ng tubig para sa labahan ko. Binabad ko na iyong baro't saya at mayamaya'y kinusot ng bahagya. Sinampay ko na sa alambre ang damit, wala namang hanger si Madre Tina or baka hindi pa naiimbento yun sa panahon na 'to.

Umalis si Madre Tina dahil pupunta raw siya sa Simbahan. Sinabi ko namang mayamaya rin ay pupunta ako sa bahay nila Binibining Merida. Mga alas-nueve na ako umalis, naglakad lang ako dahil wala naman akong pambayad sa kutsero ng kalesa.

Makalipas ang ilang minutong mabagal na paglalakad, nakarating na ako sa tapat ng bahay nila. May nakita akong nagdidilig ng halaman sa tapat ng bakal na tarangkahan ng kanilang bahay.

"Magandang umaga po, narito po ako para kay Binibining Merida. Nariyan po ba siya?"

"Magandang umaga din po Binibini" sabi niya at binaba niya ang hawak niyang pandilig para buksan yung gate.

"Ikaw po ba si Binibining Elize?" Tanong nya at tumango naman ako. "Nabanggit po kasi ni Binibining Merida na darating daw po kayo. Isa po pala akong muchacha sa tahanang ito. Tuloy po kayo, dumireto ka lang po paroon sa likod bahay, matatagpuan mo po roon si Binibining Merida" sabi ng babaeng kasambahay

"Salamat po"

Pagdating ko roon ay napansin kong mas maraming halaman at puno dito. Mas malawak dito sa likod bahay nila. Mayroong malawak na taniman, may iilang puno dito na hindi ko naman alam kung ano ang tawag, mayroon ding sili at calamansi kasi nakikita ko ang bunga no'ng halaman. Napansin kong may mga magsasaka'ng nagtatanim sa oras na ito, hindi ko alam kung ano ang tinatanim nila, baka palay, mais o sibuyas or something idk. Wala kasi akong alam sa planting.

Behind the Memoir of LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon