෴ KABANATA VII෴

9 1 0
                                    

Matapos gamutin ang sugat ko sa binti ay nagpaalam na sa akin si Apoloño. Paghawi niya ng kurtina ay mas nakita ko ng malinaw ang taong kausap ngayon ni Merida. Kahit medyo malayo sila ay natatanaw ko ang mukha nila dahil 20/20 pa ang vision ko.

Tulad nung una kong bisita rito ay nakapang army outfit pa rin ang lalaking iyon. Ano kaya ang ugnayan ni Merida sa lalaking iyon? Dapat rin ba akong mag-ingat mula sa Pamilya niya?

Bago isarado ni nurse Apoloño ang kurtina ay nakitang kong tinuro ni Merida ang direksyon kung nasaan ako naka-upo ngayon. Sa tingin ko ay papunta sila dito sa akin.

"No way. Wait. Saglit lang. Hindi pa ako ready." Natatarantang sabi ko habang naghahanap ng mapagtataguan. Sumilip ako sa ilalim ng kama ngunit madali rin nila akong makikita roon.

Kaya naman nagpunta ako sa kabilang side ng kurtina, which is sa kabilang kwarto. Doon muna ako nagtago, mabuti na lamang at walang ibang pasyenteng nandito sa loob.

Para akong nakikipag hide and seek sa panahong ito ngayon. Ako ba ang may maling nagawa? Wala naman akong kasalanan pero ako ang nagtatago hays nakakaloka!

Ilang sandali pa ay narinig ko ang paghawi ng kurtina sa kabila, kung nasaan ako ginamot kanina ni nurse Apoloño. Kurtina lang ang nasa pagitan namin ngayon at ang lakas na naman ng heart beat ko.

"Nasaan na siya?" rinig kong tanong ni Merida.

◍◍◍◍⊱•♕•⊰◍◍◍◍

"Nasaan na siya?" Tanong ni Merida pagkabukas niya ng kurtina at makitang wala roon ang Binibini na ipakikilala niya sana sa Heneral na kasama niya ngayon.

Alam niyang doon niya iniwanan saglit ang Binibining kakikilala niya lamang. Umalis muna siya doon at hinanap ang mangagamot na kausap niya kanina.

"Maaari ba'ng magtanong Ginoong Apoloño? Nasaan na ang pasyenteng Binibini na naroon?" Tanong ni Merida sabay turo sa direksyon na pinuntahan niya kanina.

"Naroon lamang po siya kanina. Sa katunayan po ay kalalabas ko lamang sa kanyang silid, katatapos ko lamang po gamutin ang kanyang mga sugat. Sige ho, Binibini at Heneral may pasyente pa po kasi akong aasikasuhin" imporma ng mangagamot at tuluyan nang umalis para puntahan ang susunod niyang pasyente.

"Nasaan kaya ang Binibining tinutukoy mo? Hindi man lang nagpaalam bago siya lumisan." Sambit ni Heneral at humarap kay Binibining Merida.

"Baka nasa palikuran lamang po siya Heneral. Natitiyak kong narito pa siya. At kung sakaling lumisan na nga po siya ay hindi siya agad makakalayo. Gaya nga po ng sabi ko kanina ay dayo ang Binibini na nagmula pa sa Maynila" tugon ni Merida sa kausap niya.

◍◍◍◍⊱•♕•⊰◍◍◍◍

Eventually I decided to go out from where I was. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Merida. Nalaman kong isa palang Heneral ang kasama niya. Narinig ko kasi si Merida habang papalalpit ako sakanila, tinawag niyang 'Heneral' ang kasama niyang lalaki.

"Oh! Narito ka lang pala Binibining Elize" sambit ni Merida nang lumingon siya sa likuran niya.

"Akala ko ay tuluyan ka nang lumisan ng walang paalam. Hindi pa man din tayo nakakapag-usap kung saan tayo magtatagpo at anong oras tayo magkikita para sa ating pamamasyal. Ah! Oo nga pala. Nais kong ipakilala ka sa Heneral ng aming Bayan. Binibining Elize siya nga pala si Heneral Herrera. Heneral Herrera, siya nga po pala si Binibining Elize na nag mula sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagbakasyon sa ating Bayan" pagpapakilalang sabi ni Merida.

Inilahad ko naman ang kamay ko para makipagshake hands kay Heneral Herrera habang pilit kong tinatago ang kaba at takot na nararamdaman ko. I can't believe na makikipagshake hands pa ako sa kanya, parang kanina lang eh nagtatago ako.

Behind the Memoir of LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon