෴ KABANATA IV෴

19 2 1
                                    

"Did I just witnessed a murder?" Nanatili akong nanginginig sa likod ng pinagtataguan kong banga sa gilid ng Simbahan.

Gusto ko na tumakbo pero hindi ko alam kung tama ba'ng gawin ko 'yon. Naisip ko'ng tumayo na at tumakbo pero bigla ako'ng na-estatwa dahil na-realize ko'ng hindi pala ako familiar sa lugar na 'to. Maaari rin nila akong mahanap agad if ever.

Nakita ko'ng napatingin sa direksyon ko ang Pari at yung nakapang-soldier outfit, bigla akong tumalikod umaasang hindi nila natandaan ang mukha ko. Ilang saglit lang ay narinig ko'ng may nagsalita na isa sakanilang dalawa, ngunit di ko alam kung sino dahil nakatalikod ako. Agad akong tumakbo nang mabilis papunta sa kabilang dulo ng Simbahan na parang akala mo'y may nagawa akong kasalanan tapos hina-haunting ako ng mga pulis.

"Ano na ba'ng gagawin ko? Shett! Siguradong maabutan nila ko." sabi ko na lang sa sarili ko habang hinihingal na ako sa kakatakbo.

Narinig ko naman ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril kaya napayuko ako bigla, siyempre baka matamaan ako. Sinubukan ko lumingon at nakita ko ang dalawa na nakatingin sa direksyon ko. Nakatutok pa rin ang baril sa akin na hawak-hawak ng lalaking naka-soldier outfit.

Tumatakbo pa rin ako hanggang ngayon at napaluha na dahil sa takot. Malapit na ako sa harapan ng Simbahan. Pagliko ko ay nagtago ako sa kabilang gilid ng pader ng Simbahan dahil sarado rin naman ang pinto. Masyadong open space dito kung tatakbo pa ako ng malayo.

Kahit madaling araw na ay madali nila akong makikita dahil napakaliwanag ng buwan at nakaputi rin ako na damit.

"Shet! san ba ako pupunta? Ano na ang gagawin ko?" Natataranta ko'ng sabi sa sarili ko habang nakasandal ako sa kabilang side ng pader ng Simbahan.

Hindi na ako masyadong makapag-isip nang maayos dahil sa halo-halong kaba at pagkataranta tapos hinihingal din ako ngayon to the point na para akong nabibingi. Hindi rin naman kasi ako sanay sa takbuhan, ayoko kasing napapagod ako agad.

"Ah yung pocket watch! Kailangan ko yun pindutin agad para makabalik na ako sa panahon ko. Wala na akong ligtas kung mananatili pa ako dito." Sabi ko naman sa sarili ko. Kinuha ko ang pocket watch na nakasabit sa leeg ko, nakatago kasi ito sa loob ng baro't saya na suot ko. Ginawa ko kasing kwintas to para hindi ko na hawakan. Nagpapawis ang kamay ko eh at saka mahaba naman ang lace ng pocket watch.

Agad naman akong nakabalik dito sa kwarto ko. Nakaupo pa rin ako at hinihingal habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Muntik na ko mamatay don ah!

Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa pocket watch at nangingnig ito. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang karahasan na nakita ko kanina, lalo na ang pagtagas ng dugo sa leeg nung lalaki.

Agad akong tumayo at itinago sa pinakababa'ng drawer ko ang pocket watch na hawak ko ngayon. Kahit na hindi pa ako makatayo ng balanse ay bumaba na ako sa kwarto ko para pumunta sa kusina.

Kailangan ko uminom ng tubig para kahit papaano'y mahimasmasan ako. Nag-inhale exhale din ako dahil kanina pa mabilis ang heart beat ko.

"Oh anong nangyayari sayo? ang putla mo naman. Para kang nakakita ng multo diyan." Bigla akong nagulat ng marinig ko'ng nagsalita si Mommy at nasa tapat ko na pala siya ngayon. Dahil don bigla tuloy ako nasamid sa iniinom ko. Hindi ko namalayan nandiyan na pala si Mom sa harap ko, masyadong pre-occupied ang isip ko.

"Mom! Nandiyan ka pala. Wala namang multo Mom. Ano po kasi... m-mainit po, kaya p-pinagpapawisan ako. Uminom na rin ako ng malamig na tubig. Mahina yata yung aircon kaya bigla akong nainitan" sabi ko at tumayo na mula sa pagkaka-upo ko. Sana lang maniwala si Mom sa palusot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakapunta ako sa past at may nakita akong lalaki na pinatay tapos muntik na rin ako tamaan ng bala kanina, baka sabihin ni Mom nababaliw ako.

Behind the Memoir of LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon