"May balak ka pang tumakas ah. At hindi mo pa pinaalam sa akin. Nakakatampo ka." Nakalabing turan ni Noreen nang puntahan siya nito sa kaniyang opisina. And yes, it's official sila na ni Edwin. Kaya lamang ay wala pa ding alam ang Daddy ni Edwin tungkol dito.
Tumawa siya sa itsura ni Noreen. "Hindi naman natuloy eh." Sabi lamang niya.
"Kung hindi nagtapat si Kuya sayo, malamang wala ka na dito ngayon." himutok pa rin ng kaibigan.
She sighs and stop what she's doing. Tumayo siya sa kaniyang swivel chair at nilapitan ang kaibigan at yakapin ito. "Bestfriend. Actually, nagdalawang-isip din ako sa desisyon ko noon dahil may nalaman ako." She murmured. Pero alam niyang malinaw iyon na narinig ni Noreen.
Nang lumayo siya sa kaibigan ay nakita niya ang nanlalaking mata nito. "W-what do you mean by that?"
Natawa naman siya sa naging reaksiyon ni Noreen. "Relax, my dear."
Umirap ito. "Huwag mo na kasi akong bitinin, alam mong masama ang nabibitin." Parang batang turan pa nito. Hindi pa rin ito nagbabago.
Umupo siya sa kaharap nitong upuan at huminga ng malalim. Hindi niya alam kung sasabihin niya nga ba ang totoo sa kaibigan pero dahil sa nabanggit na rin niya ay hindi na niya puwedeng ilihim pa sa kaibigan. "I'm pregnant." Just simple as that. Pero nakakabinging katahimikan muna ang namayani.
Magsasalita na sana siya ulit ngunit bigla nalang nagtitili si Noreen at agad siyang niyakap ng mahigpit. "I knew it, nung nasa bahay ka. Ang weird ng mga kilos mo. Tama nga ang hinala ni Kuya sayo."
Nangunot naman ang noo niya sa narinig. "Ever since 'yon talaga ang feeling ni Edwin?" tanong niya.
Umupo ulit si Noreen sa katapat na upuan at hinawakan siya sa dalawang kamay. "Minsang dumalaw siya sa bahay. Nagtatanong kung paano daw malalaman na buntis ang isang babae. And that time, hindi ko na napigilan na magtanong. And he told me everything, but... nakiusap siyang i-secret nalang, kasi magagalit ka daw sa kaniya." Pilit itong ngumiti.
Namula ang pisngi niya dahil sa nalaman. 'How could that man tell Noreen everything what happened?'
"Anyway, kailan mo nalaman na buntis ka?" hinawakan ni Noreen ang kaniyang mga kamay.
Ngumiti siya dito. "Two weeks na noon ng pagpapanggap ko bago ko totally tinanggap sa sarili ko na may kakaiba na talaga akong nararamdaman sa sarili ko." Simula niya at doon ay muling sumagi sa isip niya kung paano niya tinanggap sa sarili na buntis siya.
Maaga siyang nagising dahil kumakalam ang kaniyang sikmura, ngunit pagtayo niya ay bigla nalang siyang nahilo at sumama ang timpla ng kaniyang tiyan kaya naman agad siyang tumakbo patungo sa kaniyang banyo at doon inilabas ag dapat ilabas. Ngunit wala naman siyang maisuka kundi hangin at ang acid na mula sa kaniyang tiyan.
Pagkatapos niyang magsuka ay agad siyang nagmumog at naghilamos. Halos maiyak siya dahil sa sakit ng kaniyang sikmura. Natulala na lamang siya nang biglang may sumagi sa isip niya.
"No way! I need to confirm it." Aniya sa sarili at nagmadali na siyang tumungo sa kaniyang kusina upang kahit papano ay magkalaman muna ang kaniyang tiyan bago siya bumili ng pregnancy test at dumiretso na din sa OB sakaling positive nga.
Nang makabili siya ng dalawang pregnancy test sa drugstore ay agad siyang nagpunta sa katapat na mall at doon gumamit ng restroom.
Halos mag-slow motion ang paligid niya habang hinihintay ang resulta ng pregnancy kit. At doon ay nakompirma din niya. It's positive. She's going to be a mommy. Naiiyak siya, sa tuwa at sa alinlangan. Paano kung mali ang mga naging desisyon niya sa buhay? Paano kung mali na buntis siya ngayon kay Edwin?
BINABASA MO ANG
VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETED
RomanceEdwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend since birth.