Chapter 11-The Truth

827 20 0
                                    

Nahirapan na naman siyang nakatulog nang gabing iyon. Madaling araw na siyang dinalaw ng antok at tuluyang nakatulog. Ngunit paggising niya kinaumagahan ay agad bumungad sa kaniyang paningin ang teleponong mukhang matagal ng ngumangawa o nag-iingay sa kaka-ring nito.

            Tinatamad niyang dinampot ang cellphone at itinapat sa kaniyang tainga. “Hello…” her voice was husky.

            “Can I come in?” anlamig sa pandinig ng boses nito. Parang gusto tuloy niyang matulog ulit. Pero napamulagat siya sa realisasyon sa sinabi nito. Agad siyang napabangon sa kama.

            “W-wait, w-what?” nanlalaki pa ang mga matang sambit niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya na tinungo ang kaniyang closet at naghanap doon ng robe dahil nakasuot lamang siya ng sando at boyleg shorts. Wala din siyang suot na bra kaya kailangan niya ng pantakip dito.

            “Kanina pa ako nagdo-doorbell. Walang response. Nasa office ka na?”

            Napakagat siya ng kaniyang labi. “Ah, no, hindi ako papasok ngayon, medyo masama kasi ang pakiramdam ko. N-nasa labas ka nga ng unit ko?” paninigurado niya habang isinosuot ang kaniyang robe.

            “Do I sound like joking, Frances Miravelles?” nai-imagine na niya ang mukha nitong matagal ng naghihintay sa labas ng kaniyang condo unit.

            Lumabi siya at bumuntong-hininga. “Fine.” Iyon lang at in-end na niya ang tawag saka nagdadabog na tinungo ang pinto ng kaniyang silid at dumiretso sa main door para pagbuksan ang hindi inaasahang bisita.

            Pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pinto ay agad na siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ni Edwin. Halos hindi siya makahinga dahil sa higpit nito. At dahil na rin sa laki ng katawan nito kumpara naman sa katawan niya.

            Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya si Edwin nang kumalas ito. “What’s that? Wala dito si Graciella. Unless may CCTV kang dala at nakikita pa rin niya tayo ngayon.” aniya nang makabawi. Inirapan niya ito at tinalikuran saka nagtungo sa may kusina. Hindi pa kasi siya nagto-toothbrush at nakakahiya ang itsura niya.

            Wala siyang narinig na salita mula rito. Tanging pagsara lang ng pinto ang narinig niya. Tinungo niya ang sink at doon na naghilamos at nagmumog. Wala na siyang time pa para pumasok sa kaniyang silid dahil nariyan na ang unexpected na bisita niya.

            Narinig niya ang pag-scratch ng mga plastic. Mukhang hindi na niya napansin kanina ang dala-dala nitong plastic. Pagkatapos niyang maghilamos at magmumog ay nakita niya si Edwin na nagpre-prepare ng pagkain sa dining table niya. Ito pala ang dala nito.

            “Nag-abala ka pa. Hindi mo na kailangang gawin ang mga ‘to. Okay na ako sa set-up natin ‘pag nakaharap si Graciella.” She sounds bitter. Hindi pa rin maalis sa kaniya ang pagiging bitter kahit na kinikilig naman siya.

            “Come, let’s eat.” Anito na hindi man lang pinansin ang mga pinagsasabi niya. Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya ay lumapit ito at iginiya siya nito sa upuang hinila nito kanina at pinaupo siya. Para siyang naengkanto dahil hindi na siya nagpreotesta pa. nako-koryente siya sa bawat pagdidikit ng kanilang balat. Lalo na kapag tinititigan siya nito ng mariin.

            Para mawala siya sa hipnotismo nito ay ibinaling na lamang niya ang paningin sa pagkain. Natakam siya nang makita kung ano ang mga nakahain. Scrambled egg, hotdog, bacon and fried rice. Simpleng pagkain pero bigla siyang natakam. Ni hindi nga siya kumakain ng bacon pero iyon ang una niyang nilantakan. Sa panlasa niya ay mukhang may kulang. Nakita niyang nakatingin lang sa kaniya si Edwin pero wala na siyang pakialam. Tumayo siya at naghanap ng kung ano sa kaniyang ref. may nakita siyang pineapple tidbits doon at kinuha ito. Kumuha siya ng platito at muling umupo sa kaniyang upuan. Nilagay niya lahat ng laman ng naka-sachet na pineapple tidbits sa kaniyang platito at iyon ang sinunggaban niya kasama ng bacon, hotdog and egg. “Yum!” kusang lumabas sa bibig niya.

VEGA Siblings Series 2 (Cold Heart: Edwin)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon